234 total views
Nananawagan ang Religious of the Good Shepherd o RGS sa pamahalaan na magpatupad ng “Zero tolerance for buyers of sex sa Pilipinas.
Hinimok ng RGS ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Ehekutibo at mga Local Government Unit (LGUs) na lumikha ng batas na magpaparusa sa mga nagsusulong ng commercialized sex at mga nagbabayad para sa isang sexual act.
“Condemn state sponsorship of prostitution; reject the legalization of prostitution. Call for laws that do not criminalize a prostituted person but prosecutes those who sponsor commercialized sex and those who purchase sexual acts from other persons”. panawagan ng RGS
Ikinababahala ng RGS ang laganap na “human trafficking” bilang isang criminal industry na naging dahilan ng lumalalang prostitution sa Pilipinas.
Itinuturing ng RGS ang “prostitution of women and girls” na gender violence kung saan ang tingin ng mga lalaki at lipunan sa mga babae ay isang commodity lamang.
Ikinalulungkot din ng RGS ang pagtanggap ng pamahalaan sa prostitution bilang isang work agenda o propesyon.
Naninindigan ang RGS na kung hindi pinapayagan ng pamahalaan at hindi tinatangkilik ng mga lalaki ang “flesh trade” ay walang tinatawag na “sex workers” o “prosti” at walang prostitution industry.
Tinukoy ni Sister Ailyn Binco, Mission Development Coordinator ng St. Mary Euphrasia Integrated Development Foundation, Inc. (the social welfare and development foundation of RGS) ugat ng prostitution sa Pilipinas tulad ng kahirapan, patriarchy, male privilege, extreme wealth, racist attitudes, militarization, ecological degradation, kawalan ng family support, kawalan ng maayos na migration policies at mataas na sex demand ng mga lalaki.
Kinatigan ng RGS ang United Nations 1949 Convention for the Suppression of the Traffic in Persons and of the Exploitation of the Prostitution of Others na itinuturing ang prostitution na paglapastangan sa dignidad ng tao at nagdudulot ng panganib sa kapakanan ng isang indibidwal, pamilya at komunidad.
MARTA’S KITCHEN
Para sagipin ang mga babaeng binansagang “sex workers o prosti”, sa pakikipagtulungan sa Saints Peter and Paul Parish, Makati at Natioanl Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran church ay itinatag ang “Marta’s kitchen”.
Ayon kay Sister Binco, layunin ng Marta’s kitchen na makiisa at makilakbay sa mapait na dinaranas ng mga babaeng nasasadlak sa prostitusyon sa bansa, lalo na sa may P. Burgos Makati area at Pasay.
Tuwing alas-tres ng madaling araw ay pinapakain ng RGS sisters katuwang ang mga social worker volunteer at mga layko ng parokya ang mga prosti bilang pakikiisa sa kanilang kalagayan.
Ibinahagi ng Madre na upang personal na makisalamuha at makadaupang palad ang mga prosti ay madalas na binibisita at pumapasok ang kanilang grupo sa mga bahay aliwan.
Tinutungo ng RGS ang Olongapo, Pampanga, Ermita, Quezon Ave., Batangas, Cagayan de Oro at Cebu.
DROP-IN CENTERS
Ang advocacy campaign na “drop in center” ay lugar kung saan maaring magpahinga ang mga “prosti” at lugar ng counselling at spiritual formations.
SHELTER CARE
Sa Healing naman itinatayo ang Shelter Care – dito pansamantalang maninirahan ang mga rescued prostituted women habang tinutugunan ang kagalingang pisikal, emosyonal at ispiritwal kabilang na dito ang skills training at edukasyon.
AFTER CARE
Habang napapaloob naman sa “after care” ang family reintegration, independent living, job assistance/placement, at educational assistance.
Naninindigan ang RGS na ang prostitusyon “is exploitative and is never part of a decent work agenda. The idea that women are commodities available to be consumed and exploited has no place in a society striving for gender equality. Rejects any notion of “child prostitution”. Reject the notion that a person in prostitution is a “sex worker”. We express solidarity with those who are vulnerable to being the objects of prostitution. We seek to listen to the experiences of these persons, accompany them in their personal journeys and develop, with them, holistic programs to meet their needs. We support women and girls in healing, self-sufficiency through employable skills, economic and personal growth opportunities, and reconciliation with often-estranged families.
Naniniwala si Sr.Binco na bagamat napakahirap ang kanilang mithiin na mai-ahon at maalis ang mga prosti sa pagbibenta ng panandaliang aliw sa mga lalaki ay kanilang naipapadama sa mga ito ang pag-ibig ng Diyos.
Ikinalugod ng madre na sa ilang taong adbokasiya ng kongregasyon katuwang ang mga barangay, health centers para sa hygiene checkup at sa City/Municipal Social Welfare and Development offices, matagumpay itong nailigtas ang mga kababaihan na sa kasalukuyan ay may kanya-kanyang propesyon.
Kaugnay nito, sa kanyang Apostolic visit sa Thailand, nanawagan si Pope Francis ng respeto para sa mga “prosti” at biktima ng human trafficking.
Ayon sa Santo Papa, ang mga kabataan at babaeng biktima ng prostitution ay bahagi ng ating pamilya, mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan na dapat samahan at makilakbay sa kanilang mapait na karanasan at kalagayan.
Hiniling ni Pope Francis sa lider ng mga bansa na protektahan ang mga kabataan at kababaihan sa pananamantala ng ilang negosyante at pulitiko sa kanilang kahinaan.
Panoorin at alamin ang mapait na katotohanan na dahilan kung bakit naging bilanggo ng prostitution ang mahigit sa 500,000 Filipina sa dokumentaryo ng TV Maria na ipapalabas sa Sky cable 210, Destiny cable 96, Sky direct 49 at Satlite 102 sa ika-25 ng Nobyembre 2019.
Sa iba pang karagdagang impormasyon sa masaklap na dinaranas ng mga babaeng biktima ng maunlad na “sex commercialization” sa bansa, bisitahin ang veritas846.ph at www.rcam.org na itinanghal na best Diocesan website sa ikaapat na Catholic Social Media Awards.
Alinsunod ng panawagan, pangungunahan ng RGS ang isang pagkilos para isulong ang International Day for the Elimination of Violence Against Women sa Lunes, ika-25 ng Nobyembre, 2019.