222 total views
Bukod sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at mga obispo ng iba’t ibang diyosesis-nagpahayag na rin ang Pontifical Foundation ng Vatican sa Pilipinas ng suporta at pakikiisa sa mga pastol ng Simbahan na inuusig dahil sa paninindigang sa katotohanan at pag-iral ng katarungan sa lipunan.
Sa inilabas na pahayag ng Aid to the Church in Need Philippines ang mga kasong isinampa laban sa mga Obispo, Pari at mga layko ay hayagang pumipigil sa katotohanan at paggalang sa karapatang pantao.
“Aid to the Church in Need Philippines strongly and unequivocally stands with our President Archbishop Socrates Villegas, together with Bishop Pablo Virgilio David, Bishop Honesto Ongtioco and Bishop Teodoro Bacani Jr., in light of the charges of sedition filed against them. These charges are devoid of truth and justice, decency and respect for their human dignity.”
Read: Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Giit pa ng ACN na isinasabuhay lamang ng mga lingkod ng simbahan ang gawain ng Panginoong Hesukristo bilang Mabuting Pastol ng sambayanan na nagpapahayag, nagtataguyod at nagpoprotekta sa buhay, katarungan, katotohanan at kalayaan sa lipunan.
Ayon pa sa pahayag ang mga Obispong sinampahan ng sedition, inciting to sedition, cyber libel, estafa at obstruction of justice ay mga tunay na halimbawa na nagsusulong ng pagkakaisa sa lipunan na may paggalang sa karapatang pantao.
“The Bishops unjustly accused of sedition are exemplars of dedicated humble service to the wellbeing of the Filipinos, as well as to many humanitarian causes proof of their undeniable love for the country.”
Ikinalungkot ng ACN ang walang basehang kaso na isinampa laban sa mga pastol sapagkat maituturing itong pang-uusig sa pananampalataya kaya’t umaasa itong taglayin ng pamahalaan ang katarungan na nakabatay sa katotohanan at buong katapatang pairalin ang batas.
“ACN Philippines enjoins the faithful to pray together for the safety of the Bishops. May the Passion of Christ strengthen our Bishops to withstand their trials.”
Kabilang din sa 36 na indibidwal na sinampahan ng kaso sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva at Fr. Albert Alejo.
Ang ACN ay grupong tumutulong sa mga inuusig na Simbahang Katoliko sa mundo at sumusuporta sa mga simbahang nakararanas ng kahirapan dahil sa iba’t ibang hamon na kinakaharap.
Naitatag ang ACN noong 1947 at kinilalang papal foundation noong 2011 at nagbibigay suporta sa hindi bababa 5,000 proyekto sa higit 150 mga bansa.