251 total views
Nagpa-abot ng tulong ang Chaplain ng Philippine General Hospital sa mga” frontliners” na nasusuong sa banta ng Covid-19.
Ayon sa Chaplain ng UP-PGH Chaplaincy na si Rev. Fr. Lito Ocon SJ, nagbahagi sila ng mga vitamins at protective kits sa mga kasalukuyang naglilingkod sa nasabing pagamutan partikular sa mga nasa Department of Infectious Disease.
“Kahapon lang namigay tayo ng mga vitamins sa Department of Infectious Disease, I think wala akong narinig na magbigay ng mga ganito sa mga front liners, ang napagusapan lang ay magbigay ng protective kits yun iba na maliban doon kailangan din maging matibay yun ating mga front liners.”pahayag ni Fr.Ocon sa Radio Veritas
Inihayag ni Fr.Ocon na napagkalooban din nila ang mga guwardiya at mga utility staff tulad ng mga Doktor at Nurse ay nagsisilbing mga “Frontliners” na hindi nabibigyan ng sapat na mga pangangailangan.
“We were able to provide I think a month supply of vitamins to almost 70 security guards and more than 40 janitors na nagsisilbi direct sa mga rooms at areas na may pasyente at PUI (Person Under Investigation).”
Binigyan diin ni Fr. Ocon na mahalaga ang tungkulin na ginagampanan ng mga nahaharap sa banta ng Covid-19 na nagsisilbing daan upang masolusyonan ang pandemya bagamat sila mismo ay apektado ng kalungkutan at pag-aalala para sa kanilang mga sarili at mga pamilya.
“If na-expose ka tapos uuwi ka sa pamilya mo ganun ang mga worry nila and inconvenience nila lalo na yun mga ordinaryong workers at medical staff na hirap din sumakay at umuwi nandun din talaga yun pagkatakot.” Ani Fr. Ocol sa isang Jesuit Priest.
Tiniyak ng Pari na sa kabila ng banta ng Covid-19 sa mga pagamutan ay patuloy silang maglilingkod bilang mga Chaplain lalo na sa bahagi ng pagpapalakas ng pananampalataya ng mga manggagawa at mga pasyente.
“Nandito lang kami nakasuporta yung aming presensya malaki ang tulong dahil hindi sila nag-iisa wala man kaming magawa medically pero at least yun presence namin nandoon.”pahayag ng pari