177 total views
Nilinaw ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)
na hindi panawagan ng kalipunan ng mga Obispo ang pagpapaliban ng deklarasyon ng mga mananalong senador.
Ito ayon sa ipinadalang mensahe ni CBCP president, Davao Archbishop Romulo Valles.
Ito ay panawagan lamang ng isang komisyon ng simbahan na nangangasiwa at tumutulong sa mga mahihirap na mamamayan.
“The CBCP has not made a call or appeal or suggestion to suspend the proclamation of the winning senatorial candidates in our recent elections,” mensahe ni Archbishop Valles sa Radyo Veritas.
Inihayag rin ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na ang panawagan sa suspensyon ay personal na pahayag ng komisyon ng NASSA/ Caritas Philippines.
Bukod sa naturang komisyon ay nananawagan din ang maraming grupo ng transparency mula sa COMELEC.
Magsasagawa ng Black Friday Protest sa PICC grounds ang mga Non-Government Organizations bukas ng alas kwatro ng hapon upang ipakita ang kongkretong paghingi ng paliwanag sa COMELEC at Smartmatic kaugnay sa mga lumabas na aberya noong halalan.