227 total views
Magsasagawa ng Prayer Vigil ang mananampalataya ng Diocese ng Cubao bilang suporta sa kanilang Obispo na si Bishop Honesto Ongtioco.
Isang misa rin ang isasagawa sa ika-27 ng Hulyo, alas-6 ng gabi sa Immaculate Concepcion Cathedral ng Cubao, na pangungunahan ni Fr. Steven Saballa – Vicar General ng diyosesis.
Pagkatapos ng misa ay magsasagawa ng prusisyon ang mga mananampalataya at prayer vigil sa harap ng Bishops residence.
Inaasahang kasabay ng programang ito maglalabas din ang Diyosesis ng pormal na pahayag hinggil sa pagkakasangkot ng Obispo ng Cubao sa kasong sedisyon na hinabla ng Philippine National Police Crime investigation and Detection Group.
Una nang iminungkahi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na mag-organisa ng sabayang pagdarasal para sa mga obispo ng simbahang katolika na nahaharap sa kasong sedisyon.
Read: Time to respond!
Inuusig na Obispo at Pari, suportado ng mga layko
Bukod kay Bishop Ongtioco, 35 iba pang mga indibidwal ang kinasuhan ng sedisyon at cyber libel.
Kabilang na dito sina Vice-president Leni Robredo kasama ang mga Obispo at pari ng simbahang Katolika na sina CBCP President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas; kasalukuyang CBCP-vice president, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David; Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Robert Reyes, Fr. Albert Alejo at Fr. Flaviano Villanueva.