310 total views
May 2, 2020-7:50am
Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle sa pinakamataas sa hanay ng mga kardinal ng simbahan -o bilang Cardinal Bishop.
Si Cardinal Tagle at Cardinal Beniamino Stella-ang Prefect for the Congregation of Clergy ang mga pinakabagong miyembro ng Cardinal Bishops kasama ang 11 iba pang opisyal ng simbahan.
Ang College of Cardinals ng simbahang katolika may tatlong bahagdan, ito ay ang Cardinal Deacons na nagsisilbi bilang gabinete ng Santo Papa; ang Cardinal Priests ay yaong naglilingkod sa bawat diyosesis sa iba’t-ibang bansa.
Habang ang Cardinal Bishops ay may kapangyarihan sa simbahan ng Roma bilang malalapit na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala sa universal church.
Mula rin sa kapulungan ng Cardinal Bishops, ang inihahalal bilang Dean of College of Cardinals na siyang namumuno para sa paghahalal ng bagong Santo Papa sa pagkakataong sede vacante.
Si Cardinal Tagle ay ang dating arsobispo ng Maynila na una na ring itinalaga ng Santo Papa Francisco bilang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples isa sa pangunahing tanggapan ng Vatican.
Bukod dito si Cardinal Tagle rin ang kasalukuyang Pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Federation.