Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapasara sa mga mapinsalang minahan, pinuri

SHARE THE TRUTH

 275 total views

Pinuri ng mga makakalikasang grupo at ng Simbahan ang naging desisyon ng Department of Environment and Natural Resources na ipasara ang mga minahang nagdulot ng matinding pinsala sa kalikasan, at nagpahirap sa komunidad na malapit dito.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, malaking hakbang patungo sa pagbabago ang ipinamalas ni Environment Secretary Gina Lopez, dahil sa mahabang panahon na pakikipaglaban ng mamamayan para sa maayos at malinis na kapaligiran ay natugunan din ito ng pamahalaan.

“Yung mining audit palang kongkreto na yung hakbang at ngayon itong pagkansela at pagsuspinde ito ay patunay at magandang tuldok nga ito sa mining audit, patunay na napakinggan yung mga reklamo ng tao at mayroong tamang aksyon ang gobyerno.” pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Pinasalamatan din ng mamamayan ng Zambales ang DENR dahil sa pagpapasara nito sa mga kumpanya ng minahan sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Ben Molino, pinuno ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales, mahabang panahon nang naghirap ang mamamayan ng Zambales, kaya naman laking pasasalamat nito dahil natugunan ng bagong administrasyon ang kanilang hinaing.

Umaasa si Molino na magpapatuloy ang mabubuting programa ng DENR at hindi ito magpapadaig sa mayayamang kumpanyang sumisira sa kalikasan at nagpapahirap sa mga Filipino.

“Ang mamamayan ng Zambales at Pangasinan ay nagpapasalamat sa desisyong ginawa ng butihing kalihim ng DENR. Matagal nang inaasahan ito ng mamamayan ng Sta. Cruz, Infanta at Candelaria at sa wakas pagkaraan ng ilang taong mahabang pakikibaka laban sa mga mapanirang pagmimina ay nakamit din ang matagal nang hinihintay na tagumpay ng taumbayan.” pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Samantala, bagamat nagpapasalamat sa naging resulta ng mining audit, nais ni Fr. Niño Garcia, Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani Island ng kongkretong kasulatan na nagsasaad ng pagpapasara sa minahan sa kanilang isla.

Sa pamamagitan nito ayon sa pari ay mas mapapanatag ang kanilang kalooban at tunay ngang mawawala na ang banta ng mina sa kanilang lugar.

“Una, isang malaking pasasalamat ang gusto naming ipaabot sa ating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Secretary Gina Lopez…Pangalawa, gusto sana naming mabigyan din kami ng kopya… We are still waiting for a hard copy ng closure ng mining sites para talagang magbunyi kaming lahat at sabihin namin na talagang wala na, totally stop na ang mina dito sa amin sa Eastern Samar.” bahagi ng pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Mula sa kabuuang bilang na 41 metallic mines sa Pilipinas, 23 kumpanya ng minahan ang ipasasara ng DENR na mula sa mga lalawigan ng Benguet, Bulacan, Zambales, Homonhon, Dinagat Island, at Surigao Del Norte.

Read: http://www.veritas846.ph/21-minahan-ipapasara-ng-denr/

Una na ring binigyang diin ng kanyang kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol nito sa mapanirang industriya ng pagmimina na lalong nagbibigay ng pasakit sa mga mahihirap.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 59,738 total views

 59,738 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 74,815 total views

 74,815 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 80,786 total views

 80,786 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 84,969 total views

 84,969 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 94,248 total views

 94,248 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Gawing makatao ang pangangalaga sa mga may sakit at kapaligiran

 28,568 total views

 28,568 total views Ito ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika-28 taon ng paggunita sa World Day for the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero 2020. Paliwanag ni Fr. Dan Cancino, M.I., executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ngayong ang buong mundo ay sinusubok dahil sa paglaganap ng Novel Corona Virus (nCoV), hamon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Tigilan na ang paggamit ng Single-use plastics

 28,624 total views

 28,624 total views Ito ang naging mensahe ng pagdiriwang para sa ika-10 taon ng Panahon ng Paglikha sa Diyosesis ng Imus. Sa pagninilay sa banal na misang pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ipinaalala nito na ang buong sanilikha ay hindi pag-aari ng tao, dahil Diyos ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagbabawas ng emission mula sa coal fired power plants, panawagan ng Climate Change Commission

 28,452 total views

 28,452 total views Nanawagan ang Climate Change Commission ng pagtupad sa Nationally Determined Contribution na pagbabawas ng emission mula sa mga Coal Fired Power Plants lalo na ng malalaking mga bansa. Ayon kay Lourdes Tibig, isa sa mga author ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) Report on Oceans and Cryosphere at member ng National Panel

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

300 hektarya ng kagubatan, mawawasak sa Kaliwa dam project

 28,522 total views

 28,522 total views Patuloy ang kampanya ng grupong Save Sierra Madre Network Alliance para pigilan ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project, ngayong paggunita sa Save Sierra Madre Day, ika-26 ng Septyembre. Ayon kay Father Pete Montallana, nangangalap pa rin ng mga pirma ang kanilang grupo na isusumite sa Department of Environment and Natural Resources bilang patunay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Gobyerno, hinamong isulong ang malinis na enerhiya at sustainable agriculture.

 28,395 total views

 28,395 total views Nagtipun-tipon ang mga makakalikasang grupo kasama ang ilang faith-based organization sa pagsisimula ng isang linggong Global Climate Strike. Kinalampag ng mga envorinmentalist ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture, upang ipanawagan ang pagsusulong ng malinis na enerhiya at maisulong ang sustainable agriculture para sa kapakanan ng mga

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 28,429 total views

 28,429 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr. Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, executive director ng ELAC, nakababahala na ang walang habas na pagpaslang sa mga environmental defenders sa Pilipinas. Giit ni Anda, hindi ito ang unang pagkakataon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Kaligtasan ng environmental defenders, ipinagdasal ng Obispo

 28,427 total views

 28,427 total views Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan. Bukod dito, nanawagan din ng panalangin

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Panawagang tigil mina sa Nueva Vizcaya at No to Kaliwa dam project, suportado ng ATM.

 28,525 total views

 28,525 total views Nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Alyansa Tigil Mina sa mga katutubo na humaharap sa pagsubok dahil sa pagprotekta sa kalikasan at sa kanilang lupang minana. Ayon sa grupo, labis na paghihirap ang kinakaharap ng mga katutubo dahil bukod sa pangambang pagkasira ng kalikasan ay nanganganib ding mawala ang kanilang buong tribo kasama na

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

DOE at DENR, pinakikilos laban sa coal fired power plants

 28,451 total views

 28,451 total views Hinihimok ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mga pinuno ng pamahalaan na palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapigilan ang pagkasira ng kalikasan. Bilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng Santo Papa, nanawagan ang Power for People Coalition sa Department

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 28,446 total views

 28,446 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment ng CBCP, sinabi nitong simula pa noong 1988 sa paglalabas ng unang pastoral statement on Ecology na may titulong “What is Hapening to our Beautiful Land,” ay sinisikap na ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Obispo sa pamahalaan, pakinggan ang boses ng mga kabataan

 28,461 total views

 28,461 total views Pinuri ng Obispo ang aktibong pangunguna ng mga kabataan sa Climate Youth Strike na ginawa sa iba’t-ibang panig ng mundo noong ika-24 ng Mayo. Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminasa, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries na mahalaga ang pakikisangkot ng mga kabataan sa ganitong gawain dahil dito nakasalalay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Plant a tree for food program, pinaigting ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.

 28,313 total views

 28,313 total views Muling pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatanim ng mga puno sa isang bahagi ng Brookes Point Palawan. Ito ay bilang pagpapatuloy ng proyekto ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at ng Augustinian Missionaries of the Philippines-IP Mission na nagsimula pa noong Agosto ng 2018. Layunin ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Diocese ng San Jose sa Nueva Ecija, makikiisa sa Earth Hour

 28,174 total views

 28,174 total views Makikiisa ang Diocese of San Jose, Nueva Ecija sa gaganaping Earth Hour sa Sabado. Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, mahalagang makikiisa ang simbahan upang mapataas ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan. Ang Earth Hour ay isasagawa araw ng Sabado, ika-30 ng Marso, ganap na alas-8:30 medya hanggang alas-9:30

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Environment group dismayado kay Speaker GMA, sa pagsusulong ng pagmimina sa bansa

 29,081 total views

 29,081 total views Dismayado ang grupong Alyansa Tigil Mina sa pahayag ni House speaker Gloria Macapagal Arroyo na dapat itaguyod ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmimina sa bansa. Ayon kay Jaybee Garganera – National Coordinator ng ATM, ipinakikita lamang nito ang pagiging anti-poor ng dating pangulo at ang kan’yang pagwawalang bahala sa

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Simbahan, nanawagan ng pagtitipid sa tubig

 27,900 total views

 27,900 total views Nanawagan si Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa lahat ng mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig. Ayon sa Obispo, bahagya nang nakararanas ngayon ng pagkatuyo ng patubig na pang-agrikultura at mga balon sa ilang bahagi ng kanyang nasasakupang Diyosesis. Batid din ng Obispo ang nararanasan ngayon na hirap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top