323 total views
May 2, 2020-9:40am
Ikinagalak ng sambayanang Filipino ang pagkakahirang kay Propaganda Fides President Luis Antonio Cardinal Tagle bilang isa sa 11 Cardinal-Bishops o “ highest order of Cardinal ng Simbahang Katolika.
Itinuturing din na isang karangalan ng mga Filipino at biyaya ang pagkakahirang kay Cardinal Tagle ni Pope Francis.
Ang Titular Church ni Cardinal Tagle ay San Felice da Cantalice a Centocelle.
Sinabi ni Rev.Father Gregory Gaston, rector ng Ponficio Collegio Filipino at Radio Veritas Correspondent sa Roma, ikinagagalak ng Filipino community sa Roma ang bagong titulo ni Cardinal Tagle na kanilang kasama sa kasalukuyan.
“Kami dito sa Collegio Filipino, lalu na’t nandito pa sya ngayon kasama namin sa lunch, breakfast sa dinner. Of course, masayang masaya tayong lahat dito. It’s an honor sa atin,” ayon kay Fr. Gaston.
Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Cardinal Tagle sa pinakamataas sa hanay ng mga kardinal ng simbahan -o bilang Cardinal Bishop.
Si Cardinal ay isa sa magiging closest collaborator ni Pope Francis sa pamamahala ng Universal Church na mayroong 1.2-bilyong miyembro sa buong mundo.
Si Cardinal Tagle at Cardinal Beniamino Stella ang mga pinakabagong miyembro ng Cardinal Bishops kasama ang 11 iba pang opisyal ng simbahan.
“Sila ang 11 na closest collaborator ni Pope sa buong mundo,” ayon kay Fr. Greg Gaston
Habang ang Cardinal Bishops ay may kapangyarihan sa simbahan ng Roma bilang malalapit na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala sa universal church.
“May power sila, napakalakas. Ano ang power nila? The power to serve our brothers and sisters,” ayon kay Fr. Gaston.
Mula rin sa kapulungan ng Cardinal Bishops, ang inihahalal bilang Dean of College of Cardinals na siyang namumuno para sa paghahalal ng bagong Santo Papa sa pagkakataong sede vacante.