Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Orakulo ng Propeta Laban sa mga Mamamatay-tao /A PROPHETIC ORACLE AGAINST MURDERERS

SHARE THE TRUTH

 250 total views

TAGALOG VERSION :

Ang salita ng Panginoon ay ipinahayag sa akin nang ganito: “Anak ng Tao, itinalaga kita bilang tagapagbantay ng aking bayan. Ipagsigawan ito mula sa ituktok ng kanilang mga tahanan!”

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong tumatawag sa mga adik na “hindi tao” at nararapat lamang na mamatay. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang husgahan ang mga taong may karamdaman? Sinasabi ninyong may pagpapahalaga kayo sa kinabukasan ng mga kabataan ng bansang ito. Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung mamamatay rin lamang sila sa mga eskinita matapos ang “opisyal na operasyon ng pulisya”?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong humuhuli at nagkukulong sa mga “drug suspects” nang walang kaukulang kaso, at humihingi pa ng kapalit na salapi mula sa kanilang mga pamilya para sa kanilang kalayaan! Tinatawag ninyo ang inyong mga sariling mga “alagad ng batas” ngunit wala kayong paggalang sa batas! Pinapasok ninyo ang mga kabahayan nang walang “search warrants”; nanghuhuli kayo ng mga suspek nang walang “arrest warrants”; pinipilit ninyong maging “asset” ang mga suspek upang magturo pa ng ibang suspek na agaran ninyong papatawan ng parusang kamatayan!

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong nagbabaon sa mga kawawang biktima ng droga sa higit na kahirapan at pagdurusa! Kayong hindi gumagalang sa karapatang pantao at sa buhay mismo ng tao. Kayong yumuyurak sa dangal ng iba dahil sila ay mahihirap at walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Kayong mga pumapaslang sa mga adik na para bang pumuksa kayo ng mga manok na tinamaan ng “bird flu”! Hindi ba ninyo naisip na ang karamihan sa mga biktima ninyo ay may mga asawang nabalo at itinutulak ninyo sa kawalan ng pag-asa, at mga anak na naulila at nagiging mistulang mga ligaw na aso at pusa sa mga lansangan, mga batang sumisinghot ng solvent para makalimutan ang gutom?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong basta na lamang nagsusuplong sa mga pulis ng mga pinaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng droga, o basta na lamang nagsusulat at nagpapasa ng kanilang mga pangalan sa mga “drop box”, gayong alam ninyong ang “drug watch list” ay ginagamit ding listahan ng mga pinapatay. Nauunawaan ba ninyo na sa ginagawa ninyo, para na rin ninyong pinatawan ng parusang kamatayan ang inyong kapwa? Makinig kayo! May tinig na sumisigaw mula sa langit ng “Nasaan ang iyong kapatid?” at “Ano ang iyong ginawa? Humihiyaw ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa!” (Genesis 4:10)

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga nagsusulong ng giyera kontra droga ngunit pumapaslang naman sa mga biktima nito, sa halip na iligtas sila. Kayong mga nag-utos sa mga alagad ng batas na pumatay gayong ang kanilang sinumpaang gawain ay ang ingatan ang mga mamamayan at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan para sa isang ligtas at matiwasay na kapaligiran. Sa aba ninyong mga mapagpaimbabaw na bulag na sumusunod sa kautusang “pumatay ng mga suspek kung sila ay manlaban!” Sa aba ninyong mga mapagpaimbabaw na nagtatanim ng mga ebidensiya upang masabing makatwiran ang pagpatay!

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga mapagkunwari. Tunay nga bang malasakit sa buhay ng mga biktima ang dahilan kung bakit isinisugod pa ninyo sila sa mga ospital para lamang maideklarang “dead on arrival”. Nakakatulog pa ba kayo sa gabi matapos na magsulat ng walang katotohanang “police report,” na nagsasabing nanlaban ang mga hinuli ninyo, gayong alam ng Diyos na hindi iyon totoo? Wala ba kayong mga asawa at anak?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga may-ari ng puneraryang kasabwat ng mga mamamatay-tao! Kayong mga walang konsensiya, na una pang dumarating sa mga eksena ng krimen, bago pa man tugunan ng mga pulis-imbestigador! Kayong mga napakasipag mag-abang na parang mga buwitre sa bangkay ng pinaslang, kayong mga nananamantala sa kanilang mga pamilyang wala pa sa sarili dahil sa pagkasindak sa malagim na pangyayari. Sinisingil ninyo sila ng walang-bawiang “down payment” at ng labis-labis na halaga para sa serbisyo! Kayong mga mabababang nilalang na nanamantala sa walang kalaban-labang mga nabiyuda at naulila, na namatayan na’y mas lalo pang nababaon sa malalim na hukay ng pagkakautang, dahil sa marubdob na hangaring mabigyan ng disenteng libing ang kanilang kaanak.

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong walang pakialam at nanonood lamang habang pumapatay ang mga naka-bonnet na salarin sa liwanag ng araw! Kayong mabilis na nagkikibit-balikat at umuusal ng makamandag na bulong, “Kasangkot siguro sa droga iyan!” Kayong mga usyoserong nakatingin lamang sa bangkay na nakahandusay sa semento, nakatitig sa sumabog nilang utak mula sa nawasak na bungo. Kayong nagbabanayad sa pagmamaneho upang masulyapan sila nang mas malapitan, umiiling pa pagkatapos lampasan and bangkay . “Marahil ay kriminal,” ang pagdadahilan mo sa sarili. Kasama sa mga inililigpit para “maprotektahan ang iyong pamilya.” Hindi ka man lang mag-abalang takpan ng kumot o kahit diyaryo lang ang bangkay? Kailan pa namatay ang inyong mga konsiyensiya?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga nagbibigay ng “due process” sa mga maipluwensiyang taong nagpapasok ng iligal na droga sa bansa na bilyon-bilyong piso ang halaga. Kayong mga kasabwat ng mga smugglers ng droga at mahusay gumawa ng paraan upang makalagpas sa Bureau of Customs ang tone-toneladang shabu. Pinagtatawanan n’yo lamang ang mga nagdedemanda sa inyo dahil nasa inyo ang makinarya ng “legal” na proteksiyon at solusyon! Hindi ba’t mga mamamayan din ng bansang ito ang mahihirap sa mga komunidad na tinutugis na parang mga ulol na aso at pusa? Sila ba’y walang karapatan sa “due process” dahil mahihirap lamang sila?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga nagtatakip ng mukha sa pamamagitan ng pagsusuot ng bonnet, ski-mask, o helmet, at pumapatay ng mga drug suspek na parang kumakatay lamang kayo ng mga hayop! Walang pakundangang ibinabalot pa ninyo ang inyong mga biktima sa plastic bag at packaging tape at iniiwang naghahabol pa ng kanilang huling hininga. Kayong gumagampan na parang diyos at nagsasabit pa sa leeg ng inyong biktima ng karatulang nagsasaad kung bakit ni’yo sila pinatay. Hindi n’yo alintana na kayo na ang nagsilbing tagapagsakdal, kayo pa rin ang hukom, at berdugo. Alam ng Diyos kung sino-sino kayo!

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga tagapagpatupad ng batas na nagpapanggap na hindi alam kung sino itong mga death squad na sunod-sunod kung pumatay! Dumaraan sila sa inyong mga estasyon, naglalakad nang maramihan sa mga eskinita, nagmamaneho ng mga sasakyang walang plaka, dumarampot, at pumapatay ng mga drug suspek. Pero hindi ni’yo sila nakikita o hinuhuli; hindi ni’yo sila tinutugis o nilalabanan; hindi ni’yo sila iniimbestigahan; hindi kayo umaaksiyon para masolusyunan ang mga kamatayang dulot ng kanilang kriminal na gawain. Paano sila mahuhuli kung kasabwat ang dapat sana’y huhuli?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga kapitan ng barangay na nakikisabwat din samga pumapaslang! Kayong mga nagpapatay sa mga CCTV camera sa tamang oras, maliban na lamang kung hindi kayo nasabihan ng mga mamamatay-tao bago gawin ang krimen! Ilang beses ba kayong nilapitan ng mga kapamilya ng biktima, humihingi ng mga CCTV footages at sinabihan silang “hindi gumagana ang CCTV?”

Dumanas nawa kayo ng kasawian, mga bangkero na kapalit ng pera’y naghuhulog ng mga bangkay ng mga biktima sa North Harbor, na may pabigat pa sa mga katawan upang hindi lumutang ang mga ito. Hindi man lamang ba kayo nakonsiyensiya ng inyong budhi sa tahasang pagsunod sa utos na “patabain ang mga isda sa Manila Bay”? Paano pa kayo napapatulog ng inyong budhi?

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga tumatawag na “Kristiyano” sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay, o kahit sa mga paring pinapapatay. Nagagawa pa ninyong makatawa kahit niyuyurakan na ang inyong pananampalataya at tinatawag na tanga ang Diyos! Kayong mga bulag na hibang! Nagsisimba pa mandin kayo para makinig sa Salita ng Diyos; pumipila sa komunyon para matanggap ang Kordero ng Diyos na namatay para sa mga makasalanan, ngunit hinahayaan ni’yo namang mapatay ang mga pinag-alayan Niya ng buhay!

Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong nangangalandakang “pastol” ngunit pinababayaang paslangin ang inyong mga tupa.

Samakatuwid, dahil ang inyong mga krimen ay umabot na sa kataas-taasang kalangitan, at ang mga iyak ng mga namatayang pamilya ng mga biktima ay narinig sa trono ng Awa, dahil kayo ay tinimbang at napag-alamang kulang na kulang; Samakatuwid, ang mga pangalan ninyo ay masusulat sa mga pader ng kaloob-looban ng impiyerno. Matitisod kayo kayo sa mismong mga espadang ginamit ninyo sa pang-aalipusta sa mmga walang kalaban-laban. Mamanahin ng inyong mga anak at mga apo, hanggang sa inyong mga apo sa tuhod ang kasalanan ninyo, hanggang sa ikaapat na henerasyon!

ENGLISH VERSION :

A PROPHETIC ORACLE AGAINST MURDERERS (Following the literary form of the Prophetic Oracles of Judgment in the Old Testament)

If the Israelite prophet Amos or Ezekiel were to prophesy in the Philippines today, this is what he would say:

The word of the Lord came to me thus: ‘Son of Man, I appointed you as a watchman for my people. Proclaim this
oracle from housetops!’

Woe to you who call addicts “non-humans” deserving of death. Who gave you the right to pass judgment on people who are sick? You claim to care about the future of young people in this country. What future awaits them if they end up dead on a street alley after a “legitimate police operation”?

Woe to you who arrest and detain “drug suspects” without charges and extort ransom money from them and their relatives! You call yourselves “law enforcers ” but have no regard for the law! You break into homes without search warrants; you arrest suspects without arrest warrants, you force “drug suspects” to work as assets and force them to point at other suspects for summary execution!

Woe to you who drive the poor victims of drugs more deeply into poverty and misery! You who neither respect human rights nor human lives. You who trample on people’s dignity because they are poor and are unable to defend themselves! You who eliminate addicts like chickens infected with avian flu—do you not care at all that your victims have wives who are driven into despair and hopelessness, and children who end up like stray dogs and cats in the streets, sniffing solvents to forget their hunger?

Woe to you who indiscriminately submit names of alleged “drug suspects” to the police, or casually drop their names in drop boxes, knowing that the “drug watch list” is also used as a “kill list”? Do you even realize that in doing so you are practically pronouncing the death sentence of a fellow human being? Listen! The voice that cries “Where is your brother?” now confronts you and asks, “What have you done? Your brother’s blood cries out from the ground!” (Genesis 4:10)

Woe to you who claim to be waging a war against illegal drugs but are killing its victims instead of saving them! You who order law enforcers to murder when their mandate is to protect the citizens and defend their right to a safe and secure environment. Woe to you who blindly follow unjust and unlawful orders! You who blindly obey the command to “kill drug suspects if they resist arrest!” Woe to you who plant evidences in order to justify murder!

Woe to you who pretend to care about the lives of your victims! You even bother to bring them to hospitals only to have them declared “dead on arrival”! Do you even get to sleep at night after writing a false police report, claiming that they had fought back when God knows they did not? Do you not have wives and children yourselves?

Woe to you funeral handlers who are in cahoots with the murderers. You shamelessly arrive at the crime scenes, way ahead of the police! You who circle around human carcasses like vultures, preying on their families while they are still in a state of shock, charging nonrefundable down-payments and exorbitant funeral services! You low creatures who take advantage of the helplessness of the widowed wives and orphaned children of the victims, pushing them more deeply into the mire of debts just so they could give their dead a decent burial.

Woe to you who just stand by and watch while the masked killers kill their targets in broad daylight! You who dismiss the murder quickly with a toxic whisper: “Must be another drug suspect!” You stare at them sprawled on cold pavement and note the brains spilling out of their shattered skulls. You stall the traffic by slowing down your vehicle to take a close look, shaking your heads as you go your way. “It’s just another one of those low lives anyway,” you reason within yourself. It’s just one criminal less, one of those elements your family is being “protected from”. You do not even bother to cover the cadaver with a blanket or some sheets of newspaper. How long has it been since your consciences died?

Woe to you who would give “due process” to influential people who flood the country with billion-pesos worth of illegal drugs, you rotten vermins who allow tons of shabu to pass through the green lanes of the Bureau of Customs, you who just sneer at your accusers because you have all the means to enjoy legal protection and remedy! Are not the poor who are hunted like rabid dogs and cats in the slums–citizens of this country as well? Are they not entitled to due process because they are poor?

Woe to you who cover your faces with bonnets, ski masks or helmets, and murder drug suspects like chickens! You who wrap up your victims in plastic bags and packaging tapes and leave them still gasping for their last breath. You who play god and even bother to hang on your victims’ necks what you killed them for, not minding at all that you have acted as accuser, judge and executioner–rolled into one? God knows who you are!

Woe to you law enforcers who pretend not to know who these serial-killing death squads are! They pass by your police stations, walk through narrow alleys in big groups, drive vehicles with no plate numbers, abduct and murder “drug suspects”. But you neither see them nor apprehend them; you neither pursue them nor engage them in a firefight; you neither investigate nor bring to a resolution any of the deaths resulting from their criminal operations. How will these criminals be caught if the ones who should be pursuing them are partners in crime?

Woe to you barangay captains who are in collusion with killers! You who turn off street lamps and CCTV cameras on cue, except when the killers have failed to “coordinate” properly with you! How often have the families of your constituents run to you asking for CCTV footages and you’ve given the standard reply, “CCTV not functioning?”

Woe to you boatmen who, for a fee, drop the corpses of victims into the North Harbor with weights tied around their bodies so as to keep them from floating? You who have no qualms about literally following orders to “fatten the fish of Manila Bay”? How can your consciences give you sleep at all?

Woe to you who call yourselves “Christians” but do not care an iota about the victims of extrajudicial killings, or even about priests who are being murdered. You who can still afford to laugh even when your faith is trampled upon and your God is called stupid! You blind fools!! You come to Church and hear the Word of God; you line up for communion to receive the Lamb of God who died for sinners, but you tolerate the murder of those whom he died for! Woe to you who call yourselves “shepherds” but allow your sheep to be slaughtered.

Because your crimes have reached the highest heavens, and the cries of the bereaved families of victims have been heard on the throne of Mercy, because you have been weighed and have been found wanting, therefore your names will be written on the walls of the deepest recesses of the underworld. You will stumble on the very swords you have used as weapons to bully the poor with. Your guilt will be borne by your children and your children’s children down to the fourth generation!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 43,180 total views

 43,180 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 57,836 total views

 57,836 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 67,951 total views

 67,951 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 77,528 total views

 77,528 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 97,517 total views

 97,517 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 67,048 total views

 67,048 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 83,053 total views

 83,053 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 83,060 total views

 83,060 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 86,174 total views

 86,174 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 81,851 total views

 81,851 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 82,037 total views

 82,037 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 106,386 total views

 106,386 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 81,834 total views

 81,834 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 77,179 total views

 77,179 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 49,112 total views

 49,112 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »
Cultural
Veritas Team

Radio Veritas back in full operation after lockdown

 38,129 total views

 38,129 total views We continually receive blessings from the Lord amidst the trial of the pandemic, and for this we are daily grateful and thankful. Radyo Veritas, after several days of shifting place of operation from the studio in Quezon city to the transmitter site in Bulacan to do broadcast as effect of several covid cases

Read More »
Cultural
Veritas Team

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

 37,469 total views

 37,469 total views Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan

Read More »
Cultural
Veritas Team

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

 37,498 total views

 37,498 total views Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

 37,235 total views

 37,235 total views Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang nagpapagaling sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top