200 total views
Humiling ng panalangin si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mamamayan ng isla partikular sa Itbayat na labis naapektuhan ng 5.4 magnitude na lindol.
Ayon sa Obispo patuloy pa ang kanilang pagmomonitor sa pinakamalayong isla ng Batanes sapagkat nanatiling pahirapan ang pagpunta sa Itbayat.
“We are trying to find a way including my priest how to get there [Itbayat] to monitor, hopefully the government and the militar will be able to send some rescue mission in Itbayat kasi ang problema ang pagpunta doon right now,” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang yumanig ang 5.4 magnitude na lindol alas 4:16 ng madaling araw at nasundan pa ng ilang aftershock na naramdaman.
Sa inisyal na pahayag ni Itbayat Mayor Raul de Sagon walong katao ang nasawi habang higit sa 60 ang nasugatan dahil sa pagbagsak ng kanilang mga bahay kung saan karamihan sa mag residente ay natutulog pa nung maganap ang pagyanig.
Ayon kay Bishop Ulep patuloy ang kanilang pagkalap ng mga impormasyon sa lawak ng nasira ng lindol partikular ang simbahan ng Itbayat na bumagsak ang ilang bahagi at nagtamo ng maraming mga bitak.
Dalangin ng Obispo na nawa’y pagkalooban ng Panginoon ng kalakasan at katatagan ang bawat mananampalataya sa Batanes na apektado ng lindol lalo na ang pamilya ng mga nasawing biktima.
Ang pagyanig sa Batanes ay kasabay ng pagsagawa ng ikalimang Duck, Cover Hold Metro Manila Shake Drill sa madaling araw ng ika 27 ng Hulyo bilang paghahanda kung tumama ang pinangangambahang ‘The Big One’.
PRAYER
Heavenly Father, we ask you to look kindly our people, especially the mostly affected in this recent earthquake in our locality especially in the island of Batanes. We ask you Lord to give us the grace to be able to cope with the effect of the earthquake and particularly bring to your eternal embrace and so also those who perish and those who are still trying to recover the effects of this earthquake. Na sana Panginoon ay mabigyan sila ng lakas na bumangon sa naging epekto nitong paglindol.
Bigyan mo rin kami ng lakas upang tanggapin na ikaw na makapangyarihan ang magiging sandalan namin sa gitna ng pagsubok na ito sa aming buhay. Hinihiling namin ito Panginoon sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.