243 total views
Umapela ng pagdarasal at patuloy na paghahanda ang Diocese ng Legaspi dahil sa kasalukuyang pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Diocese of Legaspi Social Action Director Fr. Rex Paul Arjona, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga local government units at mga Parokya na posibleng maapektuhan ng pagputok ng bulkang Mayon.
Inihayag ni Fr. Arjona na mahalaga ang ‘Spiritual Intervention’ ng mga mananamplataya lalo na’t apektado din sila ngayon ng masamahang panahon kasabay ng pag-aalburuto ng bulkan.
“Bahagi talaga yung spirituality sa ating paghahanda, actually yun ating prayer yung Oratio Imperata for Calamity is being played almost every 30 minutes in different radio stations dito sa atin. Yung Oratio Imperata kasi nagiging source ng inspiration ng mga tao.” Pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pari na kumikilos ang bawat parokya ang kanilang Diyosesis upang matiyak na makatugon sa pangangailangan ng mga maapektuhang residente sa oras ng pangangailangan.
“Merong pondo ang mga Parokya to handle short term emergency definitely kung humaba lalaki ang cost so this time titignan muna natin” ani pa ng Social Action Director ng Legaspi, Albay
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa paligid ng bulkan dahilan upang tiyaking ng lokal na pamahalaan na wala nang ano mang aktibidad sa paligid ng extended 7 kilometer danger zone.
Magugunitang Nobyembre ng taong 2006 ng magkaroonng eruption ng bulkang Mayon na sinabayan pa ng pananalasa ng bagyong Durian dahilan para magdulot ito ng lahar na ikinasawi ng mahigit sa 1,200 katao.
Ang Oratio Imperata ay isang uri ng panalangin para ipag-adya tayo mula sa kalamidad.