205 total views
Sang-ayon ang mayorya ng mga Filipino sa Constitutional convention o CON-CON na paraan upang amyendahan ang 1987 constitution o Saligang Batas ng Pilipinas.
Lumabas sa March 2018 Veritas Truth Survey o VTS sa 1,200 respondent mula sa Mega-Manila na kinabibilangan ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Antipolo at Bulacan na 38-porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa Constitutional Convention.
21-porsiyento naman ng mga respondent ang sang-ayon sa Constituent Assembly habang 41-percent ang nalilito o hindi pa makapagdesisyon kung anong paraan babaguhin ang 1987 constitution.
Batay sa Veritas Truth Survey, 41-porsiyento ng male respondents ang gusto ng CON-CON at 33-percent sa mga babae habang 18-percent ng mga lalaki ang pabor sa CON-ASS at 16-percent sa mga babae.
49-percent sa mga babae at 41-porsiyento ng mga lalaking respondent ang nalilito pa.
Sa tanong kung nauunawaan ng mga Pilipino ang CON-CON at CON-ASS?
41-porsiyento ng mga respondent ang nagsabing OO habang 39-percent naman ang HINDI at 20-percent ang medyo nakakaunawa.
46-percent ng male respondents at 33-percent ng mga babae ang nakakaunawa sa CON-ASS at CON-CON habang 46-percent ng mga babae at 35-percent ng mga lalaki ang hindi alam ang CON-ASS at CON-CON.
Katig sa CON-CON ang 48-percent ng mga teenager na may edad 13-20, 33-porsiyento ng young adults na may edad 21-39 taong gulang, 34-percent ng adults na may edad 40-60 at 28-porsiyento ng elderly na nasa edad 61-taong gulang pataas.
Sa antas ng pamumuhay 42-percent ng mga kumikita ng 60,000-pesos hanggang 149,000-pesos ang pabor sa CON-CON,41-percent sa mga may income na 40,000-pesos hanggang 50,000-pesos;41-percent sa kumikita ng 30,000-pesos hanggang 40,000-pesos;40-percent sa may income na 150,000-pesos pataas;33-percent sa may income na 10,000-pesos hanggang 30,000-pesos at 33-percent sa mga kumikita ng 10,000-pesos pababa.
Ang Veritas Truth Survey ay mayroong margin of error na +/- 3-percent na isinagawa ng Radio Veritas Research Department.
VTS matrix:
VERITAS TRUTH SURVEY ON THE ISSUE OF “CHA-CHA”
Alam mo ba ang kaibahan ng CON-CON (constitutional Convention) sa CON-ASS (Constitutional Assembly) bilang paraan ng pagbabago sa ating saligang Batas?
Table 1
Overall Analysis
Table 2
Analysis by GENDER
Table 3
Analysis by AGE
Table 4
Analysis by ECONOMIC STATUS
Kung OO ang sagot mo, ano ang mas gusto mo?
Table 1
Overall Analysis
Table 2
Analysis by GENDER
Table 3
Analysis by AGE
Table 4
Analysis by ECONOMIC STATUS
Ang ikatlong paraan ay sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ang taong-bayan na mismo ang magsusulong ng isang petisyon na laman ang pagbabago sa Konstitusyon at ito ay kailangang may lagda ng 12% ng kabuuang bilang ng lahat ng rehistradong botante sa buong bansa at hindi bababa sa 3% ng kabuuang rehistradong botante ng kada distrito sa buong bansa.