505 total views
April 2, 2020-5:39pm
Ito ang binigyan diin ni Rev. Fr. Roy Bellen, commissioner ng Archdiocese of Manila Social Communication Ministry sa kahalagahan ng paggamit ng social media ngayong panahon na ang mamamayan ay nasa kanilang tahanan.
Alinsunod sa ipinatutupad ng Luzonwide Enhance Community Quarantine, pinapairal ang panantili sa bahay bunsod ng coronavirus disease.
“‘Yung mga content na mayroon tayo, they become shareable, hindi lang ikaw ang makakaalam, you can share to people and they can see ano ‘yung mga facts, ‘yung mga data at figures that will support whatever position you are holding. Napakaganda ngayon ng social media kasi sabi nga in a multi-level, you can communicate your message especially if you have advocacy.” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ng pari, sa pamamagitan ng social media, mapapanindigan ng mga tao ang mga adbokasiya na kanilang pinaniniwalaan.
“As a person, shini-share mo ito and it means ito ‘yung advocacy mo personally, you own it. Kasi kapag may mga bagay na hindi ka kumbinsido, you would barely share them. But kapag ito ay iyong shini-share, in a way you are standing up for your own position, for your own advocacy. “
“You say: ‘I believe in this and I am supporting this.’ So through social media, we were able to show what we believe in.” Dagdag pa ng pari.
Inabisuhan naman ni Free Legal Assistance Group (LEGAL) chairman Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno ang mga pumupuna at naglalabas ng sentimyento sa tugon ng gobyerno sa COVID-19 gamit ang social media na maaari silang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng paglabag sa batas.
Sa kasulatan na Inter Mirifica – Decree on the Media of Social Communications na isinulat ng Kanyang Kabanalan Pope Paul VI, kinikilala nito na ang opinyon ng publiko ay mahalaga at lahat ay dapat magsumikap maibahagi ito gamit ang media.