Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilalanin at iwasto ang pang-aabuso sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

 667 total views

Mga Kapanalig, Isinapubliko noong isang linggo ang resulta ng dalawang taóng imbestigasyong isinagawa ng grand jury sa Pennsylvania sa Estados Unidos kaugnay ng mga sekswal na pang-aabusong kinasangkutan ng mga pari roon. Ayon sa report, mahigit isanlibong kaso ng sexual abuse ang naganap sa anim na diyosesis sa Pennsylvania sa nakalipas na pitong dekada mula noong 1947. Mahigit 300 pari ang sinasabing sangkot at ayon pa sa grand jury, dapat ding papanagutin ang mga opisyal ng Simbahang pinagtakpan ang mga kaso ng pang-aabuso.

Matagal nang kinakaharap ng Simbahan ang isyu ng sekswal na pang-aabuso ng mga pari. Ngayong taon lamang, malaking balita ang pang-aabuso ng ilang pari sa Australia at Chile at ang pananahimik ng mga obispo roon. Sa Amerika, humantong sa pagkakatanggal ng isang prominenteng arsobispo sa College of Cardinals ang kanyang pang-aabuso sa isang binatang sakristan at iba pa. Kaliwa’t kanan din ang mga imbestigasyong ginagawa sa mga seminaryo sa Boston at Nebraska. Noong isang taon dito sa Pilipinas, may isang paring kinasuhan ng qualified human trafficking nang tangkain niyang isama sa motel ang isang babaeng menor de edad.

Hindi bulag ang ating Simbahan sa masakit na katotohanang ito, kaya naman nagpupursigi itong magpatupad ng mga repormang tutuldok sa kasamaang ito. Sa Amerika, halos wala nang kaso ng pang-aabuso ang naiulat sa mga diyosesis mula noong 2002 kung kailan naging mahigpit ang United States Conference of Catholic Bishops o USCCB sa pagdidisiplina ng mga paring sangkot sa sexual abuse. Agad nilang isinusumbong sa pulis ang mga paring nananamantala at tinatanggal sa kanilang puwesto sa diyosesis ang mga akusadong pari. Dito naman sa Pilipinas, mayroon tayong Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy na inilabas noong 2003 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP. Nakapaloob sa patnubay na ito ang mga nararapat na tugon ng mga opisyal ng Simbahan sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso ng mga pari. Para sa mga biktima, inaasahan ang Simbahang magbigay ng pastoral care at pangunahan ang paghihilom sa mga naapektuhan sa komunidad. Para naman sa mga paring nagkasala, bibigyan din sila ng pastoral care na akma sa kanilang kalagayan at papatawan ng kaparusahang batay sa bigat ng kasalanang kanilang nagawa. Inaantabayanan natin ang aprubadong revised version ng pastoral guidelines na isinumite ng CBCP sa Vatican.

Ayon kay Pope Benedict XVI, nagmumula ang aniya’y “greatest persecution” o pinakamatinding pagpapahirap sa Simbahan, hindi sa labas nito, kundi sa kasalanang nagmumula sa loob mismo nito. Sa panlipunang turo ng ating Simbahan, itinuturing na pangunahing tungkulin ng mga obispo—katuwang ng mga pari, ng mga relihiyoso, at maging ng mga layko—ang pagdadala ng liwanag ng Mabuting Balita sa lahat ng pangyayari sa lipunan. At malaking balakid sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang pananahimik at pagtatakip sa kamalian ng mga ating mga pastol. Ang pagkakasangkot sa sekswal na pang-aabuso at pagkukubli sa mga ito ay isang pagtataksil, hindi lamang sa kawang nagtitiwala sa mga pari, kundi maging sa sakripisyong ginawa ni Hesus na kanilang kinakatawan.

Panghawakan natin ang sinabi ni Pope Francis sa kanyang liham noong isang linggo:  “Mahalaga para sa ating Simbahan ang kilalanin at kundenahin, nang may pagdadalamhati at pagpapakumbaba, ang mga kamalian ng mga pari at relihiyoso… Makatutulong ang pagkilala sa mga kasalanang ito sa pagtutuwid sa mga kamalian, sa paghihilom, at sa pagpapanibago.”

Mga Kapanalig, humihingi ang Simbahan ng kapatawaran sa lahat ng mga naabuso. Tumatangis tayo kasama nila. Nawa’y hindi mawala ang ating tiwala at pag-ibig sa Simbahan sa kabila ng mga kontrobersiyang yumayanig dito. Maging daan sana ito upang mag-alab ang kagustuhan ng bawat mananampalatayang magbago at maging bahagi ng pagtutuwid sa mga mali sa loob ng ating Simbahan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,740 total views

 24,740 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,396 total views

 39,396 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,511 total views

 49,511 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,088 total views

 59,088 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,077 total views

 79,077 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 24,742 total views

 24,742 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,398 total views

 39,398 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,513 total views

 49,513 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 59,090 total views

 59,090 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,079 total views

 79,079 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,174 total views

 48,174 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,199 total views

 43,199 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,768 total views

 46,768 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,223 total views

 59,223 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,290 total views

 70,290 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,609 total views

 76,609 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,220 total views

 81,220 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,780 total views

 82,780 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,341 total views

 48,341 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,349 total views

 69,349 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top