297 total views
Kilalanin at igalang ang mga Overseas Filipino Workers na tinaguriang bagong bayani ng ating Pilipinas.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat na kilalanin ang pagsusumikap ng bawat OFW kung saan hindi lamang ang kanilang mga pamilya ang umuunlad ang buhay dahil sa kanilang pagsasakripisyo kundi ang buong Ekonomiya ng bansa.
Bukod dito nagsisilbi rin magandang imahen ang mga OFW upang maipamalas sa iba’t ibang bansa ang katapatan, kasipagan at kagalingan ng mga Filipino.
“Yes our OFWs are modern, now and everyday heroes. As our heroes we must accolade them with R&R, that recognize with gratitude their services and sacrifices. Recognize with pride and appreciation that they are ours that they are not only making economy better but projecting the true image of Filipinos who are really honest, hardworking and helpful to anyone…” mensahe ni Bishop Santos.
Iginiit din ng Obispo ang pagbibigay respeto at paggalang sa mga OFW sa pamamagitan ng pagsusulong at pagbibigay proteksyon sa kanilang mga dignidad at kapakanan bilang mga dayuhang manggagawa sa ibayong dagat.
Bukod dito umaasa rin si Bishop Santos na maging ang mga pinaghirapan at pinag-ipunan ng mga O-F-W tulad na lamang ng kanilang mga ipinapadalang pera at balikbayan box sa bansa ay bibigyang pagpapahalaga rin ng bawat isa sa pamamagitan ng hindi pagnanakaw o paninira sa mga ito.
“Secondly respect. They have inherent rights and dignity which should be protected and promoted. Their works are dignified. They are valuable and should never be used or abused. Respect their property, balikbayan boxes and remittances which never be wasted, taken for granted or be stolen. With these we treat and hold our OFWs as truly our heroes…” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo na ayon din sa United Nations umabot na sa anim na libong Pilipino ang umaalis sa bansa kada araw.