224 total views
My dear brothers and sisters we are blessed to be gathered as one community to celebrate the Eucharist and also to witness the blessing of the altar of this chapel.
Ang papel ko po ay i-introduce na ang magbibigay ng homily ay si Father Baldwin. (Laughter) Saksi po kayo ayaw sumunod. (Laughter) Lagot ako mamaya niyan. Maganda po naman na ito ang mga pagbasa natin sa blessing nang chapel at saka po nang oratory, so the readings are all about hunger and food specially bread.
Delikado po ang gutom, itong mga seminarista po laging gutom. Sabi po nila magpakain ka na ng bandang musiko huwag lang mga seminirista. Kapag bandang musiko may natitira pa raw kapag seminarista kahit panis kinakain pa ganiyan sila kagutom. At iyon po the first reading in the book of Exodus it is all about community, they had been freed from slavery, thanks to God’s intervention and the help of Moses.
Kaya lang noong na gutom na sila, galit na, mas mabuti pa nga raw na hindi sila pinaalis sa Egypt. Parang mas matamis daw maging mga alipin at mamatay doon basta busog. Talagang iba po ang ano kapag inatake ka na ng gutom minsan “maging alipin na lang ako basta busog.”
Pero kung ako ang Diyos dito, Aba! pinalaya na nga kayo ganiyan na pa kayo? mamatay nga kayo sa gutom! Mabuti na lang hindi po ako ang Diyos, kung hindi maraming mamatay sa gutom. Nagpakain pa rin siya in the evening quail, pugo in the morning, this mysterious parang dew na puwedeng kainin na parang bread, ang tawag ay manna.
Kasi galing doon sa kanilang lengwahe na “Manhu” ibig sabihin “ano ba ‘yan? Iyon ang ibig sabihin nang tinapay na iyon, di ba kayo kapag iyong mga anak ninyo, hirap na hirap kayong mag-isip kung anong ipapakain, kapag nadiyan na ano ba ‘yan? Ayun yung Manna.
Huwag sasama ang loob n’yo, nauulit lang ho yung kuwento ng bibliya hanggang ngayon. So ang Diyos po, nagpapakain, pero malinaw sabi po rito, ‘yong Manna, is to “see whether they follow my instructions or not. Iyong bread “so that you may know that I the Lord am your God. Hindi lang siya nagbigay ng tinapay para makakain kayo, may hinahanap siya. Kikilalanin ba nila bilang Diyos, at ngayong na bigyan na sila ng tinapay susunod na sa aking salita?
So it is not just this material bread that God is offering, God is expecting something else. At ‘yon din po sa ebanghelyo last week ang episode ay si Hesus nag milagro, the multiplication of the five loaves and two dried fish, nakakakain ang limang libo. Hinabol-habol na ngayon siya ng mga tao, but he read the minds of the people, sabi niya, hindi niyo naman ako sinusundan dahil naintindihan ninyo yung kahulugan ng milagro, ang hanap lang ninyo tinapay kasi nakakain kayo, aba gusto niyo magmilagro nalang ako ng magmilagro. Kain lang kayo ng kain, hindi na sila magtatrabaho, basta ano nalang ang gutso Siya, gawing Hari.
At sabi niya, hindi meron siyang ibang hinahanap lalo na ang sinabi niya na, Ang tinapay na ibinibigay ng Diyos hindi katulad nung binigay sa kanilang mga ninuno na yung manna, ang binibigay ay Siya, I am the bread of life.”
Malalaman natin ang sagot nila, two Sundays pa. hindi ko sasabihin, suspense. Magsimba kayo para malaman, “Ano kaya yung hinahanap-hanap nilang tinapay, manna? tapos ngayon sabi, hindi ang ibinibigay sa inyo ay ang aking laman at ang Aking Dugo, kakain pa kaya sila?
Sakto po sa August 19 ang sagot, Pero ang sabi po ni Hesus dito, the work of God is this that you believe in the one He sent. Nagpasinaya na si Hesus, yung pagkain ng kanyang katawan ay pananampalataya. Ang pananampalataya, pagkain, parang magkapareho po tingnan mo kapag kumakain ka yung kinain mo talagang magiging bahagi ng katawan mo. Kung kain kayo ng kain ng balat ng lechon, crispy pata, chicharon, papasok yan kaya cholesterol. Kapag maraming kanin, suman, matatamis, blood sugar. Di ba pagkakain n’yo pagdighay niyo yung kinain n’yo yun pa rin ang lasa? May kaibigan ho ako nung nag-aral ako sa abroad na Amerikano, nung kaibigan ko na sinabihan ko. Alam mo kayong mga amerikano amoy ano kayo, amoy karne kasi kumakain kayo puro steak ganyan, kaya ano kayo parang maanggo, maanghit, amoy ano kayo karne.(Laughter) Sa kinakain ano ho? Aba gumanti, sabi sa akin, kayong mga Filipino, alam mong amoy ninyo?” Hindi ah! wala akong amoy. Sabi n’ya, hindi! Amo’y bawang kayo. Amoy ako non? Hindi ko man ano pero, yung ibang tao pala na aamoy tayo, bawang kasi hindi ba yung mga luto natin laging may bawang – gisa, tapos lumpiang prito isasawsaw sa suka na may bawang, lumpiang sariwa may bawang at mane, mataas ang blood pressure magnganganga ng bawang, amoy bawang nga ho. Kung katabi n’yo yung misis n’yo amuyin n’yo. (Laughter) huwag kayong aamoy ng iba kung ‘di n’yo asawa ha! Ano, amoy bawang nga? (Laughter) Oho, amoy steak daw.
Mamaya natin titingnan, amoy steak daw s’ya. (Laughter) Iyong pagkain talagang papasok sa sistema mo hindi mo alam apektado ‘yong health mo, kaya minsan kapag nagpatingin ka ang isang i-adjust nang doctor, iyong diet—pagkain. Kaya maganda rin po ‘yong fasting, ganoon din po ang pananampalataya, tinatanggap ko si Jesus para makapasok siya sa aking pagkatao, para ‘yong salita niya makapasok sa aking pag-iisip, para Siya, ‘yong aking ugnayan sa kanya ay talagang magpabago sa akin.
Kaya nga po doon sa second reading from the letter of St. Paul to the Ephesians, pinag-uusapan ‘yong lumang tao at bagong tao. ‘Yong bagong tao ay iyong tumanggap na kay Jesus, kumbaga kinain na n’ya si Hesus at si Hesus ay naging bahagi na ng kanyang pagkatao, nagiging kawangis na nang Diyos. Created in God’s way in righteousness and holiness of truth, that is how you learned Christ. Kaya iba-ibang images, faith, eating, recreation na ka focus kay Hesus. At iyon po ang isang purpose ng chapel na ito, para sa malalim na pakikipag-usap kay Hesus, sa pagbubukas nang ating puso kay Hesus at sa ating pagtanggap kay Hesus, ako ay mabago.
Kung mababago ako ng kinakain ko, mabago sana ako bagong tao dahil kinain ko si Hesus ang kanyang salita, ang kanyang turo, ang kanyang halimbawa. At maganda rin po na ang chapel ay mayroon tabernacle para sa Eukaristiya kung saan talagang ang katawan ni Kristo ay natatanggap at lagi siyang nakakaulayaw.
Hindi lang po ito parang additional room ang oratory, ang chapel ay isang lugar kung saan nagaganap muli ang mga pagbasa. Kapag ang mga anak ninyo’y dumaraan sa mga disiyerto nang buhay, sana pumunta sila dito para tanggapin ang pinadadala nang Diyos Ama na Manna, si Hesus.
Kapag bumabalik iyong lumang pagkatao sana dito sila pumunta para makipag tuos kay Hesus at nang sila ay maging bagong nilikha ayon sa larawan ni Hesus. At kapag hinahanap nila kung ano-ano kay Hesus, sana dito sa chapel masabihan siya ni Hesus hindi mo naman ako hinahanap dahil naniniwala ka sa akin. Kaya mo lang ako hinahanap para mataas ang grade o kaya mo ko hinahanap dahil sa ganito, ganyan.
Para matauhan tayo, Bakit nga ba natin hinahanap si Hesus? Mga seminarista ha, sana huwag niyong hahayaan na walang ano ito—empty ang oratory. Sana maging habit ninyo na laging maging bahagi ng buhay ninyo ang pagbisita dito, ang pikipag-ulayaw kay Hesus dito. Kapag nagugutom kayo dito kayo pumunta hindi sa refectory, at ano ba ang mas malalim ninyong pagka-gutom. Para po sa mga magulang, alam po ninyo ngayon, ayokong mag alala kayo pero dapat rin mag-alala. Parami po ng parami ang mga kabataan na nagsu-suicide. Noong Biyernes na sa meeting ako sa archdiocese may nag-text sa akin, “Cardinal paki-dasal mo ang anak ko nagpakamatay lang po. Ganoon lang, hindi nila alam kung bakit, may isang ano dito catholic school for girls ang sabi sa akin tatlong bata ang nag-attempt na magsuicide.
Mayroon ding isang Catholic University dito, tatlong lalaki naman parang lumundag yata, nag-uusap ba ‘yang mga bintana na ‘yan? Nakakaalarma baka mayroon silang mga nakakain, ano kaya iyang nakakain, pinakakain nang Social Media, pinapakain ng kung anong pelikula kahit mga video games na pumapasok na sa sistema nila.
Hindi lang iyong pag-patay sa kapwa pati na sarili puwede nang patayin, ‘di ko na nga alam kung ilan ang mas marami iyong pinapatay ng iba o iyong nagpapakamatay. Hindi pa yan nakukuha ang statistic. Sa Japan po ang leading cause of death ng mga kabataan ngayon hindi sakit hindi aksidente kundi suicide. Mas marami na ang namamatay sa suicide kaysa sa violence sa ibang bahagi ng mundo.
Dito ho sa atin baka wala tayong eksaktong statistics, kasi baka tinatago hindi rine-report sa police kasi sarili mong ano kaya hindi mo alam. Kaya mahalaga po ano ba ang pagkagutom ng mga kabataan ngayon? At ano ang mga napapakain sa kanila na nagiging bahagi ng kanilang sistema? Bilang pagtatapos lang po iyong isa pong nagluluto doon sa amin sa tinitirahan ko sa residencia kasi ‘yong asawa niya na sa Doha. Basta na sa Middle East tapos siya naman dito nagta-trabaho sa manila, iyong dalawang anak inaalagaan ng tiya sa probinsya.
Kahapon dumating para mag weekend dito. So nag-aalmusal ako dinala iyong dalawang bata. ‘Yong maliit six years old ikot-ikot doon sabi ko, “O ano ka na? Grade one na daw. Tinetesting ko sabi ko, ilan taon ka na? sabi, anim, Ano sa English iyong anim? Sabi “six,” o ano ito? plato, ano ‘yan” tapos iyong parang kutsilyo na pang mantikilya, sabi ko “yan ano yan? para saan ‘yan? kinuha iyong kutsilyo tapos alam niyo ginawa? Nagulat ako, nagulat ‘yong ina rin pati yung si Father Albert, nagulat kami na ang alam ng bata ang kutsilyo pang-laslas.
Kinausap ko iyong… Saan kako nakuha iyan ng batang six years old? Nako po, kaya napakahalaga ano ang kinakain ngayon at magtulong-tulong po tayo hindi lang ‘yong pagkain na nutritious na tinapay, ulam kundi ano ‘yong pagkain na baka lason na pumapasok sa isip, kalooban at pagkilos ng mga kabataan. Kasama ‘yan sa mga misyon natin kayo na may mga barkda, may mga kaibigan, kayong nag a-apostolate tingnan rin ninyo ‘yon. At tulungan natin ang ating mga generation na pumili kung ano ang dapat kakainin at sana si Hesus ay huwag iluwa, huwag isantabi kung di talagang tanggapin sa ating buhay.