Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Homily Feast of Nuestro Padre Hesus Nazareno at Quirino Grandstand

SHARE THE TRUTH

 542 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
Homily Feast of Nuestro Padre Hesus Nazareno, Quirino Grandstand
January 9, 2019

Mga minamahal na kapatid sa ating Panginoong Hesukristo, magpasalamat po tayo sa Diyos! Tayo ay pinagsama-sama na naman Niya sa araw ng ito, sa gabing ito, upang gunitain ang ‘Traslacion’ ng ating Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa magandang panahon gayundin sa kalusugan na binigay sa atin para magkasama-sama.

Ang tema ng atin pong pagdiriwang sa taong ito ay, “Deboto ni Poon Hesus Nazareno: Hinirang at Pinili Niya upang maging lingkod Niya.” Paki-ulit nga po.(Indistinct Chattering) Very good! Very good! Kaya nakatuon po sa pagiging deboto ng Poon Hesus Nazareno, pagiging deboto kay Hesus.

Nakakatawag-pansin ang ika-9 ang Enero dahil parang naipapakita ng bawat deboto ang sidhi ng kanyang pamimintuho kay Poong Hesus Nazareno.

Pero hindi nababanggit kalimitan na ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay hindi lamang tuwing January 09; ang debosyon sa kanya ay hindi lamang sa Traslacion.

Araw-araw, ang daming sumisimba sa lahat ng misa sa Quiapo Church, t’wing Biyernes lalo na pag First Friday, tuloy ang debosyon. At hindi lamang sa Quiapo lahat ng parokya na halos at sa ibang bahagi ng mundo.

Kaya kapag sinabing deboto hindi lang yan pang-nuwebe Enero. Ang debosyon sa Poong Nazareno, araw-araw, saglit-saglit, sa bawat panig ng daigdig. At hindi lamang po sa taguring Poong Hesus Nazareno ang ating debosyon kay Hesus, sa ilang araw lang atin namang ipapamalas ang ating debosyon kay Hesus Sto. Niño. Debosyon din ‘yun kay Hesus.

Yung nagsisimba, yaong dumadalaw sa Blessed Sacrament, yaong nagdarasal ng istasyon ng Krus, Divine Mercy, Holy Cross, katatapos lang, Nativity, pagsilang ni Hesus ang atin pong buhay punong-puno ng pagpapakita ng ating debosyon sa Panginoong Hesukristo.

Kaya po itong nangyayari kapag January 09 ay isa lamang sa mga tugatog na nangayayari ang araw-araw. Kaya pag may nagtatanong sakin, “totoo ba na kapag January 09, libo-libong deboto, milyun-milyon ang lumalabas?”

Sabi ko, “Opo at ordinaryo lang yan, kapag binilang araw-araw na nangdedeboto bilyun-bilyon po.” Kaya ipagdiwang natin ang debosyon na ito, ito’y biyaya, ito’y paghirang.

Kasi po ang unang naging deboto sa atin, devoted to us, ay si Hesus mismo. Siya ang deboto ng kanyang Ama sa Langit at pinakita rin Niya na Siya ay devoted sa atin.

Sa Ebanghelyo ayon kay San Juan, Siya ay ang anak ng Diyos na bumaba mula sa Langit, sabi nga ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, hinubad ang kanyang karangalan sa langit bilang anak ng Diyos para makiisa sa atin, bumaba mula sa langit.

Ah yung ibang tao kapag nasa langit na hindi mo na yan mapapababa! Pero si Hesus nasa langit bababa para samahan tayo. At iyan ay upang ipakita na ang kalooban ng Diyos ay hindi para maparusahan tayo kundi mailigtas tayo.

Ganyan ka-devoted si Hesus sa atin. Pati langit iiwanan niya mapasama sa mga kapatid na makasalanan hindi para yurakan sila! Hindi para sila’y parusahan kundi upang iligtas.

That’s devotion! Iyan ang debosyon ni Hesus sa atin, at dahil diyan Siya naman ay itinampok ng Ama, binigyan ng pangalan na higit sa lahat ng pangalan. At ang ating pagpaparangal sa Kanya ay ang tinatawag natin Debosyon sa Kanya.

Ito ay bilang tugon sa Kanya na unang naging devoted sa atin, kaya po totoo, tayo’y deboto hindi dahil lamang pinili natin kundi dahil hinirang tayo, pinili tayong mahalin ni Hesus, at tayo bilang minamahal nag-uumapaw naman na nagiging deboto rin Niya.

May mga nagtatanong, ewan ko nga ba kung bakit t’wing Traslacion yun at iyon din naman ang tanong? Ano ba ang kahulugan ng debosyon? Di ba pwedeng tandaan na ho iyon? Parang taun-taon eh laging kinukwestyon, ‘yan ba ay tama? ‘yan ba ay mahalaga? Yung pagiging deboto. At meron pang isang salita na kanilang ginagamit hindi ba iyan panatisismo? Eh kung pareho bakit pa may salitang ‘deboto?’ Kaya maganda po tignan natin, ano nga ba ang tunay na deboto? Na ang huwaran ay si Hesus.

Mga katangian ng deboto na nakikita kay Hesus. Una, ang tunay na deboto ay nagmamahal. Ang dahilan ng debosyon ay pagmamahal. Mahal ko Siya, at dahil sa aking pag-ibig sa Kanya, ako ay kakatig sa Kanya. I will be devoted to Him.

Ang panatiko hindi nagmamahal. Ang panatiko nag-a-ano lang yan eh, kumapakapit sa isang nagbibigay ng halaga sa akin, pero ang deboto hindi iyon ang dahilan. Devoted ka dahil mahal ko Siya. Iyan ang pinakita ni Hesus, iyan din ang diwa ng debosyon, nag-uumapaw na pag-big.

Ikalawa, ang nag-uumapaw na pag-ibig ay pinapakita rin sa Katapatan, Loyalty, katapatan na naglilingkod sa aking minamahal.

Ang panatiko kapag ‘di makuha ang kanyang gusto titigil na ‘yan, pero ang deboto dahil nagmamahal mananatiling tapat may nakukuha man siya o wala, basta mahal kita paglilingkuran kita, at magiging tapat ako sa iyo. Ibigay mo man ang hinihingi ko hindi ko man makamtam, hindi iyon ang hangad ko, ang hangad ko’y ikaw.

Kakapit ako sa iyo, tapat ako sa iyo, paglilingkuran kita. Tingnan ninyo, yung iba sa inyo, taun-taon tuwing Traslacion pumupunta.

Sa mga interview, yung iba nakapagsabi, taun-taon ako pumupunta kasi may panalangin akong naibigay, pero yung iba sabi, hanggang ngayon naghihintay pa ako; pero tapat, hindi dahil pakabig pero dahil umiibig. At pati ang mga bata tinuturuan na maging tapat, ipinapasa ang pagmamahal kay Hesus.

Ipinapasa ang katapatan at paglilingkod sa kanya, hindi ang makakabig ko, kundi ang maiaalay ko. Magsugat-sugat man ang paa ko kung dito ko makikita ang aking katapatan, sige na! Masugatan na! Amoy araw ako, basang basa ang pawis, naiinitan ako. Hindi komportable pero kung tapat ako, iyan ang aking iaaalay.

Deboto lamang ang makakaunawa niyan! kapag hindi ka deboto kukwestyunin mo yan! Magmamahal ka ba? Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang maging tapat dahil lamang sa pagmamahal mo? Naranasan mo na ba na araw-araw kahit ka masugatan maglilingkod ka? Iyan ang deboto.

Pero kung makikita mo, “ang hirap, baka ganito baka ganyan, ‘wag na lang, baby!” Hindi ka deboto!

So una, pagmamahal na wagas. Ikalawa, katapatan loyalty na naglilingkod. At ikatlo, pakikipag-isa sa aking minamahal. Iyon ‘yon. Kung nasa’n minamahal ako nandoon din ako. Sa kanyang dusa, magdurusa ako. Sa kanyang ligaya, iyon ang aking ligaya. Sa kanyang pangamba doon ako nangangamba. Sa kanyang sakit, iyon din ang aking sakit. Ang kaniyang tuwa, iyon ang aking tuwa. Ang kanyang kaluwalhatian, iyon ang aking kaluwalhatian. Hindi lamang po ito pagtulad o paggaya, hindi lamang ito imitation but ‘union’.

Talagang dalawang puso magiging magkalapit. Tumitibok nang iisa. Pagmamahal na wagas, katapatan na naglilingkod at pakikipagkaisa kay Hesus, ‘yan ang deboto ng Poong Hesus Nazareno.

Meron tayong… o sige na ho palakpakan ninyo na, (applause). Hindi natin sinasabi na ang pagiging deboto ay pagiging perpekto na sa ugnayan kay Hesus, hindi po. Katulad nang kahit na anong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pakikipag-kaisa ito ay araw-araw pinagyayaman, h’wag pababayaan.

Ito ay pinalalakas, ito ay pinapasa, itinuturo sa iba. At kung ang debosyon ay kay Hesus, Wow, wow talaga! Kasi mas mabuti na na si Hesus ang mahalin, ang maging tapat, ang paglingkuran at maging kaisa natin. Kaisa sa mga huwad na Diyos na kalimitan ay minamahal, pinaglilingkuran at pinagkaka-isahan ng puso, huwag sila, si Hesus Poong Nazareno ang ating mamahalin.

Bilang pagwawakas po, nagresearch ako ng kaunti. Sino dito ang pinanganak na noong 1958? Hoy mga Fathers, magsabi ng totoo, ang babata ninyo diyan ha, 1958, ako lang? (Mentions) Father Luke? (laughs) Noong 1958, na-release ang isang awit ng Everly Brothers, ‘Devoted to you’. (Laughs) Babasahin ko ang ganda! “Darlin’, you can count on me, till the sun dries up the sea, until then I’ll always be devoted to you. I’ll be yours through endless time. I’ll adore your charms sublime. Guess by now you know that I’m devoted to you. I’ll never hurt you, I’ll never lie, I’ll never be untrue, never give you reason to cry, I’d be unhappy if you were blue, Through the years my love will grow, like a river it will flow, it can’t die because I’m so devoted to you ”.

Oh sino naman po ang buhay na noong 1940? (indistinct laughs) Ako hindi pa, oh ito, meroon isang medyo kababayan ko pa nga, taga-Cavite, Josefino Cenizal na gumawa noong 1940 ng isang awit, ‘Hindi kita Malimot’.

“Hindi kita malimot, ala-ala kita. Hindi kita malimot, minamahal kita. Isinusumpa ko sa iyong kagandahan na ikaw lamang ang tangi kong minamahal. Hindi kita malimot, huwag kang manimdiman, hindi kita malimot, manalig ka sinta. At kung ikaw man ang lumimot iyong alalahanin, Mahal pa rin kita.” (Applause) Iyan ang deboto, palitan natin ang sariling darling, Hesus ito yan. At kahit ikaw ay lumimot, na imposibleng mangyari kay Hesus, sabihin natin, ito lang ang alalahanin mo, ito lang ang hwag mong kalimutan, Mahal pa rin kita.

Mga minamahal na kapatid sa puso natin, ibulong, ibulong natin ng tahimik kay Hesus, “Hesus minamahal kita.” Ngayon po sabihin ninyo, malakas, “Hesus minamahal kita”, (crowd: Hesus minamahal kita) Punuin po natin ang lahat ang buong alapaap, isigaw natin sa mundo, “HESUS MINAMAHAL KITA” (crowd: Hesus minamahal kita, applause!)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 48,828 total views

 48,828 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 59,903 total views

 59,903 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 66,236 total views

 66,236 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 70,850 total views

 70,850 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 72,411 total views

 72,411 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Riza Mendoza

Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Maximum Security Compound,
New Bilibid Prison

 384 total views

 384 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle  New Bilibid Prison, Maximum Security  Compound  Homily    Magandang umaga po sainyong lahat.    Magandang umaga po. At pwede ko ho bang malaman kasi taon-taon pumupunta ako rito eh sino ho ang nandito nung nag misa ako nung isang taon?   Naku nandito pa rin kayo, akala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top