220 total views
Ito ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa panayam ng Programang Veritas Pilipinas.
“Hindi natin puwedeng paghiwalayin yun, ‘We respect Human rights to Promote human life’. At ang human life to promote it we have to preserve the rights of the people,” ayon kay Bishop Santos na siya ring Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI).
Umaasa din ang Obispo na magkakaroon na ng pag-iingat ang Administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng ‘anti-drug campaign’ bilang bahagi ng programa ng Pamahalaan base na rin sa tinuran nito sa kaniyang State of the Nation Address.
“Kung itutuloy dapat naman ay may pag-iingat. Be very cautious. Ituloy, pero ituloy na may pag-iingat sa buhay. At ang pag-iingat sa buhay ay paggalang sa Karapatan dahil ang paggalang sa karapatan ay pagtataguyod ng buhay,” ayon kay Bishop Santos.
Sa tala may higit sa 20,000 ang bilang ng mga napapatay na kaugnayan sa ilegal na droga na bahagi ng Kampanya na ‘War against drugs’.
Pinuri naman ng Obispo ang pagtatalumpati ng Pangulo na ‘Very Presidentiable’.
Tumagal ng may isang oras ang ‘Speech’ ng Pangulo na nagsimula alas-5:18 ng hapon hanggang alas-6:09 ng gabi.
Tinataya namang may 15,000 mga Militante ang dumalo sa Protesta na ginanap naman sa labas ng Batasan.
Read: Pangulong Duterte, Hindi itinuturing na tao ang mga napatay sa War on Drugs