436 total views
Ang pagboto ay nararapat na ituring na isang sagradong paraan na ipinagkaloob ng Panginoon upang mapanatili ang kaayusan at demokrasya ng bansa.
Ito ang unity statement ng “Halalang Marangal 2022 Coalition” na binubuo ng may 20 church and civic organization bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.
Sa pamamagitan ng isang virtual launching ay opisyal na inilunsad ang kuwalisyon na pagsasama ng iba’t-ibang mga organisasyon ng Simbahan at mga kumisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang paghandaan ang nakatakdang 2022 national and local elections.
Nasasaad sa isinapublikong unity statement ng koalisyon ang panawagan sa mamamayan na manindigan at maging mapanuri sa pagpili at paghalal ng mga opisyal na magsusulong ng dignidad at karapatan ng taumbayan at hindi ng kanilang pansariling interes sa posisyon at katungkulan.
“We are a faith-impelled coalition of organizations committed to Clean, Accurate, Responsible and Transparent Elections. We reaffirm that any electoral exercise is a God-given instrument where the people, as the sovereign principals in a democracy, choose who will be their agents in government tasked to protect and uphold human dignity and the common good. And that the voice of the people, especially the vulnerable and the marginalized, will be heard and respected.”bahagi ng unity statement ng coalition.
Pinangungunahan ang coalition ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na NASSA/Caritas Philippines.
Layunin ng “Halalang Marangal 2022 Coalition” na magkaroon ng mas malinaw na ugnayan at pagkakaisa ang mga organisasyon ng Simbahan para sa iisang layunin na matiyak ang pagkakaroon ng malinis, matapat, mapayapa at marangal na halalan sa susunod na taon.
Bahagi din ng layunin ng kuwalisyon na matiyak na maisulong ng Simbahan ang “One Godly Vote” o isang halalan na mayroong matatag na prinsipyo sa katotohanan para sa kapakanan at kabutihan ng bayan na nakabatay sa mga panlipunang turo ng Simbahan.
“We seek leaders who see Jesus in others, and serve our nation selflessly. True servant leaders that have the competence, experience, compassion, kindness, and commitment to good governance. We ask for God’s blessings and guidance as we perform our solemn mandate for Halalang Marangal 2022.” Dagdag pa ng Halalang Marangal 2022 Coalition.
Kabilang sa kasapi ng kuwalisyon na pinangungunahan ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) – NASSA/ Caritas Philippines ay ang CBCP- Episcopal Commission on Indigenous People (ECIP); CBCP- Episcopal Commission on Youth; dating COMELEC chairman Christian Monsod; Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP); Bawat Isa Mahalaga (B1M); Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP); Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); De La Salle Brothers Philippines; Network for Justice and Compassion (NetJC); People Empowerment via Transformative Electoral Reforms (PETER); Philippine Misereor Partnership (PMPI); Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); The Faith Initiative; at Radio Veritas846.