277 total views
Nasaan ang Simbahan sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic?
Saan napupunta ang inyong mga donasyon sa iba’t-ibang parokya, church congregations, church institution?
Narito ang ginagawa ng Simbahan:
“Community kitchen” ng Baclaran Church sa pangunguna ng Congregation of the Most Redeemer para sa mga frontliner na lumalaban sa paglaganap ng COVID-19.
Inilunsad naman ng Mary Help of Christians Parish sa Calamba, Laguna sa pangunguna ng Parish Priest na si Father Toto Cerada ang “Kindness Station” upang bigyang ayuda ang mga kapuspalad na apektado ng COVID-19.
Ang St. John Bosco Parish sa Makati City ay itinatag ang “Lenten Penitential Food Basket” para sa mga mahihirap.
Mga preskong gulay naman mula sa Cordillera ang ipinamamahagi sa mga apektado ng COVID-19 ng Redemptorist Fathers sa labas ng FSP convent sa Lipa city, Batangas.
Binuksan naman ng De La Salle University ang kanilang Enrique Razon Sports Center para maging temporary shelter ng mga walang matutuluyan na mamamayan ng lungsod ng Manila. Photo: DLSU Security Office
Nagsagawa naman ang Camillian Priest ng relief operations sa kanilang adopted communities.
Caritas Manila extension warehouse in San Carlos Seminary.
Photo: Ronnie Santos