951 total views
March 23, 2020, 1:10PM
Nagkakaisa ang iba’t-ibang diocese, archdiocese, parishes, catholic organizations at catholic institution sa pagkalinga sa mga apektado ng corono virus disease o COVID-19 oubreak sa buong Pilipinas.
Patuloy ang Caritas Manila sa pamamahagi ng Ligtas COVID kit at 1,000 gift certificates sa mga mahihirap na residente ng Baseco compound sa Tondo Maynila upang makaagapay sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Pinangunahan naman ni Fr. Jun Meneses ng Vicariate of San Ildefonso ang pamamahagi ng tulong sa kanyang nasasakupang parishes.
Naging abala din sa pamimigay ng suporta ang San Antonio de Padua Parish sa Diocese of Antipolo sa mga residenteng nasasakupan ng parokya.
Abala din ang Sacred Heart Parish Tayuman sa pagbibigay ng ayuda sa mga kapuspalad na nangangailangan.
Masigasig naman ang San Lorenzo Ruiz parish sa pag-abot sa mga nasasakupang mananampalataya na lubos na apektado ng Luzon wide enchanced community quarantine.