207 total views
Nagpahayag ng pangamba ang Commission on Human Rights o CHR sa maaring maging epekto sa kaligtasan ng mga Pari at ng mga Obispo ang sunod-sunod na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga lingkod ng Simbahan.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakababahala na ang mga pahayag ng Pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahan na tila itinuturing na kalaban at kritiko ng pamahalaan sa halip na ituring na katuwang sa paggabay sa mga mamamayan.
“Statements that could embolden the violence against priests and other religious persons are gravely alarming in the face of continuing attacks against those deemed as critics of the government.” pahayag ni de Guia.
Iginiit ni De Guia na sa halip na paratangang walang silbi sa lipunan ay dapat na magsilbing hamon sa pamahalaan ang ginagawang paggabay at pakikipagtulungan ng mga Pari at Obispo sa mga komunidad at mamamayang dumaranas ng kahirapan at pagdurusa dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni De Guia na dapat na magsilbing opurtunidad sa pamahalaan ang pagsusumikap ng mga lingkod ng Simbahan upang makipagtulungan sa programa ng gobyerno.
Tinukoy ng opisyal ang naging paninira at pagpaparatang ng mismong Pangulo laban kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na kilala sa pagsusumikap nitong matulungan ang mga naiwang pamilya ng mga nasawing biktima ng drug related killings.
“Churches and priests, such as in the case of Bishop Pablo Virgilio David of Caloocan, work directly with communities and families, who continue to suffer the many forms of human rights violations allegedly stemming from the government’s drug campaign. Instead of calling them useless, the government must take their concerns as valid challenges from the ground and as means to improve, rather than degrade, protection of human rights of all.” Pahayag de Guia.
Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris na kinakailangan sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan ang pagkilala at pagsasabuhay sa taglay na dignidad, karapatan at kalayaan ng bawat isa.