160 total views
Humigit-kulang sa 2-milyong pisong cash assistance ang ipinagkaloob ng Archdiocese of Manila at Caritas Veritas Damayan sa libu-libong biktima ng bagyong Urduja at Vinta sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na ang cash donations ay ibibigay sa pitong (7)Diocese at Archdiocese na aagapay sa mga residenteng matinding naapektuhan ng bagyong Urduja at Vinta.
Ayon kay Father Pascual, kabuuang 400-libong piso ang ipapadala ng Caritas Manila sa Diocese of Butuan, 300-libong piso para sa Diocese of Ipil na nakakasakop sa Zamboanga Sibugay, 361,500-libong piso sa Diocese of Tagum.
200-libong piso para sa mga nasalanta ng bagyo sa Archdiocese of Cagayan de Oro, 200-libong piso sa Diocese of Iligan, 200-libong piso para sa Diocese of Marawi at 200-libong piso naman para sa Diocese of Dipolog.
Naunang nagpadala ang Caritas Manila at Father Saturnino Urios University ng 1,500 relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Cagayan De Oro sa Bisperas ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.
“People are Suffering, The need help, we are in contact with DSAC (Diocesan Social Action Center) para makatulong ASAP” pahayag ni Fr. Pascual.
Nakapagpadala na ang Diocese of Tagum ng 3 libong relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo sa Compostela Valley at Davao Del Norte.
Nauna ding hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao dulot ng magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.
Read: Cardinal Tagle, umapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyo
Sa Datos ng NDRRMC, umabot sa 18 libong pamilya o mahigit sa 72 libong inidibidwal ang naapektuhan ng bagyong Vinta.