Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila at iba pang organisasyon ng Simbahang Katolika nagpadala na ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta.

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Nagpadala ang Caritas Manila at Father Saturnino Urios University ng 1,500 Relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Cagayan De Oro sa Bisperas ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.

Ayon kay Fr. John Young ng FSUU sa Butuan City, inihatid na ngayong umaga ang mga relief goods sa Cathedral ng Saint Augustine sa Cagayan De Oro kung saan inaasahan na ipamamahagi din ito agad sa mga naapektuhang residente.

Tiniyak naman ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual na tutugon pa sila sa pangangailangan ng iba pang mga probinsya na naapektuhan din ng nasabing bagyo.

“People are Suffering, they need help, we are in contact with DSAC (Diocesan Social Action Center) para makatulong ASAP” pahayag ni Fr. Pascual.

Nagpadala naman ang Diocese of Tagum na may 3 libong relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo sa Compostela Valley at Davao Del Norte.

Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego patuloy pa silang nangangalap ng donasyon at tulong para sa mga naapektuhan residente.

Kaugnay nito, umapela na din ng tulong si Marawi Bishop Edwin Dela Peña para sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Lanao Del Sur at Lanao Del Norte.
Magugunitang ilan sa mga naapektuhan residente sa mga nabanggit na lugar ay mga naapektuhan din ng kaguluhan sa Marawi.

Batay sa datos, umabot sa mahigit 5 libong pamilya ang inilikas o nawalan ng tahanan sa Diocese of Iligan dahil sa pinsala ng bagyo.

“We appeal for rice, noodles, canned goods, lagutmon, anything edible, used clothing, etc. It was for this purpose that we were spared from this calamity so that we can express our gratitude by helping the less fortunate among us” Mensahe ni Bishop Dela Peña ng Marawi.

Aminado si Bro. Rey Barrido ng Prelature of Marawi na karamihan sa mga naapektuhang residente ay mga Internally Displaced Person ng naganap na Marawi Seige.

Target aniya nila na makatulong sa may mahigit isang libong pamilya mula sa tinatayang nasa 3 libong pamilya na labis na naapektuhan ng bagyo.

Sa Datos ng NDRRMC, umabot sa 18 libong pamilya o mahigit sa 72 libong inidibidwal ang naapektuhan ng bagyong Vinta.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,736 total views

 16,736 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,392 total views

 31,392 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,507 total views

 41,507 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,084 total views

 51,084 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,073 total views

 71,073 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Zero fire incident at zero casualty, target ng Diocese of Kalookan

 306 total views

 306 total views Nakikipagtulungan ang Diocese of Kalookan sa tatlong munisipyo sa ilalim ng ng kanilang diyosesis para sa malawak na pagpapalaganap ng impormasyon at kahandaan sa sunog ngayong fire prevention month. Ayon kay Rev.Fr. Benedict Cervantes, Social Action Director ng nasabing diyosesis, nakikipag-partner sila sa lokal na pamahalaan ng Malabon, Navotas at Kalookan para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Emergency operation plan, isinasapinal na ng Simbahang Katolika

 300 total views

 300 total views Umaasa ang Diocese of Tandag na mas maraming oportunidad ang maipagkakaloob ngayon sa mga taga-Mindanao sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Tandag Social Action Director Fr. Antonio Galela, sa mga nagdaang Pangulo ng bansa ay hindi labis na nabigyan pansin ang pagpapa-unlad sa rehiyon ng Mindanao dahilan upang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top