201 total views
Magkatuwang ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Region XI at XII.
Pinangunahan ng Diocese of Kidapawan, Caritas Manila, Caritas Philippines, Catholic Relief Service at Duyog Marawi ang relief operations sa mga nasalanta ng lindol.
Sinimulan ng Diocese of Kidapawan at Caritas Manila Mindanao Operation chief Father Emmerson Luego ng Sto.Nino Parish ang relief operations sa mahigit 3,000 biktima ng lindol sa Sto.Nino Parish sa Makilala, Holy Family Parish sa Bulakanon, San Jose Parish sa Magpet, San Isidro Parish sa Tulunan, San Miguel Parish sa Kisanti,Makilala lalawigan ng Cotabato.
Sa ulat ng Damay Kapanalig, nagtayo ang Diocese of Kidapawan ng command center sa Bishop House sa Guadalupe, Kidapawan city na pimumunuan ni Father Pol Paracha, ang vicar-general ng Diocese at father Rodel Balansag.
Sa kasalukuyan, prayoridad ng Diocese of Kidapawan at pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng lindol sa mga tinatawag na “pocket evacuations”.
Read: Pockets of evacuees sa Mindanao, tututukan ng Simbahang Katolika
Para lalong matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol, magsasagawa ang Caritas Manila at Radio Veritas ng Damayan Kapanalig telethon sa ika-11 ng Nobyembre 2019.
Live na mapapakinggan ang telethon sa Radio Veritas 846 mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
Ang mga nagnanais na makikiisa sa telethon ay maaring tumawag sa telepono 925-79-31 to 39 o magtext sa 0918-837-4827.