218 total views
Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay si Diocese of Novaliches Bishop Antonio Tobias sa pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal kaninang umaga.
Inihayag ng Obispo ang malaking kawalan ng Simbahan sa pagpanaw ng Kanyang Kabunyian na naging isang mahusay na pipuno ng kalipunan ng mga Obispo ng bansa noong panahon ng EDSA People Power Revolution.
Pagbabahagi ni Bishop Tobias, puspusang isinulong ni Cardinal Vidal ang pagkakaisa ng buong Catholic Bishops Conference of the Philippines upang manindigan sa pagkondena sa naganap na snap elections.
“Si Cardinal Vidal noon sya ang Presidente ng aming Conference noon ng CBCP and I may say that he consolidated the whole CBCP para magkaroon ng isang position which became the famous letter condemning the election. I think if it was not for him we would have gotten a difficult time to get into one kasi that group in that time there were opposite positions of strong people and really all ang certainly good but we have to decide what is best for the country and I think what we did after all is the best…” pahayag ni Bishop Tobias sa panayam sa Veritas Patrol.
Kaugnay nito, umaasa si Bishop Tobias na makukuha at matutunan ng kasalukuyang kalipunan ng mga Obispo ang naturang katangian ni Cardinal Vidal kung saan binibigyan nito ng pagkakataon ang lahat na maglahad ng kanilang opinyon bago bumuo o magdesisyon para sa buong kapulungan.
Giit pa ng Obispo, mahalaga ang pagkakaroon ng nagkakaisang posisyon ng Simbahan upang mas magabayan ang mga mananampalataya sa lipunan.
“Si Cardinal Vidal talagang nagkukonsulta yan and he talks to people who may have a different opinion and he gathers, he talks with them personally and shows to them the different sides and then he says ‘ano ngayon?’ ganyan sya, magaling talaga si Cardinal Vidal. Sa akin kunin natin talaga ang sistema o paraan ni Cardinal Vidal, we maybe disagreeing or we may have different opinions but it is best before we bring it out what our own opinion is to the public, let us talk things over that is the way Cardinal Vidal has been living the head of CBCP…” Dagdag pa ni Bishop Antonio Tobias.