186 total views
Itinanggi ng Archdiocese of Manila-Office of Communications ang ulat na pag-eendorso ng kandidato ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay Fr. Roy Bellen-commissioner ng Office of Communications ng Archdiocese of Manila, hindi mga pulitiko kundi ang proseso ng pagsusuri at pagninilay sa pagpili ng iboboto ang panawagan ni Cardinal Tagle sa inilabas na circular.
“What He is endorsing is the process of discernment that each person can do as they prepare and choose candidates to vote for the coming election, as example made by the People’s choice movement,”
Dito ay pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na maging bahagi sa pagbabago ng lipunan sa pamamagitan ng pagboto.
Ayon pa sa pahayag, nawa gamitin ang tungkulin at kapangyarihan ng pagboto sa pagpili ng mga kandidato na maglilingkod para sa kabutihan ng mas nakakarami.
Hinikayat din ng Cardinal ang mga mananampalatayang botante na gamiting batayan ang prosesong ng pagninilay ng People’s Choice Movement- na pinangunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas at Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity bilang gabay sa gagawing pagpili ng ihahalal.
“The result that they had in their discernment need not necessarily be the same result for all persons. It will differ based on the person’s experience, research and perception of the candidate. What the Cardinal is emphasizing and giving importance is the personal experience of discernment and taking full responsibility of their choices in voting. Thus it becomes a choice that is informed, prayerful and product of discernment,” ayon sa pahayag ni Fr. Bellen.
Paglinilinaw ni Fr. Bellen, tanging ang proseso at hindi ang mga kandidato na resulta ng pagninilay ng grupo ang imunumungkahi ni Cardinal Tagle.