Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle sa Synod on Youth: ‘The Youth will unify us!

SHARE THE TRUTH

 216 total views

Pakikilakbay sa kabataan… ngayon at hindi lamang para sa hinaharap dahil ang kabataan ang magbubugkos tungo sa mas magandang mundo para sa lahat.

Ito ang ibinahagi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa katatapos lamang na 15th Ordinary General Assembly of the Synod of the Bishops na ginanap sa Vatican.

“Parang naging slogan na ang kabataan ay ang future, pero doon (Synod) paulit-ulit ang kabataan ay ang present. Ang Simbahan ay hindi kumpleto kung hindi ibibilang ang mga kabataan ngayon, as they are!,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang kauna-unahang pulong na nakatuon lamang sa kabataan para pakinggan ang iba’t ibang sitwasyon ng kanilang kinakaharap sa iba’t ibang pagkakataon.

Binigyan tuon dito ang pagsalin ng pananampalataya, pagtulong na hanapin ang kanilang bokasyon at kung anong buhay ang kanilang tatahakin.

“Ang unang bahagi is recognizing the reality. Ano ang mundo ng kabataan ngayon? Tumingin o tignan? Ikalawa is yung interpretation in the light of faith, sa liwanag na dulot ng Salita ng Diyos turo ng simbahan at panalangin ano ang nakikita natin sa sitwasyon ng kabataan, so hindi lamang sociological, hindi lamang anthropological bagamat lahat yun ay kasama rin pero sa liwanag ng pananampalataya, at ang ikatlo ay pagpili ng aksyon direksyon na tatahakin,” ayon kay Cardinal Tagle sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Paliwanag ni Cardinal Tagle na iba’t iba ang sitwasyon na kinabibilangan ng kabataan kabilang na dito ang kahirapan, migration, ang digital world, karahasan, digmaan at pag-uusig.

“They brought not only the pains but their hope, their energy to the Church,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Bawat isa ay nakararanas ng ‘Brokenness’ na nangangailangan tulong at kaagapay higit lalu sa pang-unawa ng Simbahan maging ng iba pang sektor sa lipunan.

“Ano yung pwede nating tugon sa mga pangangailangan ng kabataan? Lalo na doon sa dalawang bahagi na yun paano natin maipapasa ang pananampalataya kay Hesus sa kanila, at paano natin sila magagabayan. Ang buong simbahan ay hindi lamang mga pari at mga religious ito’y mga magulang, mga peers, mga teachers yung buong community paano natin magagabayan sila para matuklasan ang pakay sa buhay purpose in life calling sa kanilang mga profession. Palagay ko ito’y patu- patuloy nating pag uusapan, pag ninilayan at aaksyunan itong mga darating na taon,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle dahil sa magkakaibang sitwasyon sa bawat lugar sa bawat bansa isang framework at general guidelines ang binuo sa pagtatapos ng Synod na siyang ipapatupad sa kani-kanilang Diyosesis na aayon sa kanilang pangangailangan.

Dahil sa mga usaping ito, hinihimok ang bawat isa na pasukin ang mundo ng kabataan sa pagtuklas ng tugon sa kanilang mga karanasan at pagmimisyon ng Simbahan.

“The World of the Youth is a World of Mission to be explored by the Church,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Tema ng synod ang ‘On young people, the Faith and Vocational discernment’ na dinaluhan ng higit sa 300 mga obispo at kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bukod kay Cardinal Tagle na una ng itinalaga ng Santo Papa Francisco bilang president delegate ng synod, kasama rin sa mga delegado sina Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, Legazpi Bishop Joel Baylon, Bacolod Bishop Patricio ng Catholic Bishops Conference of the Philippine-Episcopal Comission on Youth.

Magiging paksa sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa Enero ng susunod na taon para ibabahagi ang naging talakayan sa may isang buwang pulong kasama ang kabataan.

Tiniyak di ni Cardinal Tagle na ang paksa hinggil sa mga kabataan ay tamang-tama sa pagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas ng ‘Year of the Youth’.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,452 total views

 40,452 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,108 total views

 55,108 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,223 total views

 65,223 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,800 total views

 74,800 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,789 total views

 94,789 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 10,608 total views

 10,608 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 15,725 total views

 15,725 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 16,755 total views

 16,755 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 21,007 total views

 21,007 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 21,194 total views

 21,194 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 30,045 total views

 30,045 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 52,342 total views

 52,342 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 50,701 total views

 50,701 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 57,565 total views

 57,565 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 68,630 total views

 68,630 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 66,005 total views

 66,005 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 69,043 total views

 69,043 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 68,404 total views

 68,404 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 78,639 total views

 78,639 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 78,313 total views

 78,313 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top