442 total views
August 3, 2020-1:10pm
Muling humiling ng panalangin si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David para sa kagalingan ng lahat ng mga kay karamdaman lalu na ang nagtataglay ng novel coronavirus.
Ayon kay Bishop David, bukod kay Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iniguez may dalawang pari, isang deacon at dalawang seminarians ng diyosesis ang nagpositibo rin sa covid-19.
“Please include them in your prayers. The diocese now has 2 seminarians, one deacon, one priest, and one bishop emeritus who came out Covid positive. One seminarian has recovered already,” ayon sa facebook post ni Bishop David.
Isa sa mga seminarista ay nasa Malabon quarantine facility na bagama’t positibo sa virus ay walang sintomas na nararamdaman o asymptomatic.
Ikinagagalak din ng obispo ang seminarista na bagama’t positibo sa virus at naka-quarantine ay pinamumunuan nito ang pagdarasal ng rosaryo kasama ang iba pang mga pasyente na ang pangunahing panalangin ay kalakasan at paggaling mula sa Covid-19.
“Our Vicar for Vocations sent me a photo of him leading the rosary and facilitating a Liturgy of the Word with his companions in the quarantine facility,” dagdag pa ng obispo.
Una na ring nagpositibo sa virus si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na sa kasalukuyan ay nagnegatibo na sa kaniyang swab test at tinatapos na lamang ang mandatory quarantine.