Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bilang bahagi sa pagsagip sa kalikasan: Libo-libong puno, itatanim ng mananampalataya sa Bohol

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Hinimok ng Obispo ng Tagbilaran ang mamamayan sa Bohol na makiisa sa isasagawang sabayang pagtatanim ng mga punong kahoy.

Ayon kay Bishop Alberto Uy ito ay bilang pakikiisa sa pangangalaga sa kalikasan upang mapanatiling maayos at kapakipakinabang sa mamamayan dahil ito ang nag-iisang tahanan ng sanilikha.

“To all parishes, BEC’s, religious organizations, schools, communities and ministries sa September 1 mananom na pod ta’g linibo ka mga kahoy [magtanim na naman tayo ng libu-libong mga kahoy],” panawagan ni Bishop Uy.

Ito rin ay pakikiisa ng diyosesis sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa season of creation tuwing unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

Giit ng obispo, isang seryosong usapin ang global warming at unti-unting pagkasira ng daigdig dahil sa kapabayaan ng tao kaya’t mahalagang mapigilan ang tuluyang pagkasira nito para sa ikabubuti ng mga susunod na henerasyon bilang tagapagmana ng kalikasan.

“Our Mother Earth is bleeding and hurting. Everyone has to do something, contribution a solution,” ani ng Obispo.

Noong nakalipas na taon nakapagtanim ang diyosesis ng higit sa 50,000 iba’t ibang uri ng punong kahoy sa mga piling lugar sa Bohol sa tulong ng iba’t ibang grupo at mga komunidad na nagkaisa para sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan din si Bishop Uy sa mga Bol-anon na maghanda ng mga seedlings upang na magagamit at maipapamahagi sa pagtatanim ng mga puno.

Ang hakbang ay pagtalima sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si na pangalagaan ang kalikasan laban sa mapanirang gawain ng mga tao para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Umaasa si Bishop Uy na magiging matagumpay ang tree planting activity sa pagbubukas ng Season of Creation at dalangin ang pagkakaisa ng mga Bol-anon na tinatayang nasa higit isang milyong Katoliko para sa kalikasan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 42,738 total views

 42,738 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 53,813 total views

 53,813 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,146 total views

 60,146 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 64,760 total views

 64,760 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,321 total views

 66,321 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Mamamayang naninirahan sa paligid ng Kanlaon volcano, binalaan

 6,966 total views

 6,966 total views Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon na maging alerto at mapagmatyag. Ayon kay Philvocs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Maria Antonia Bornas mainam na alam ng mga residenteng malapit sa aktibong bulkan ang aktibidad nito upang manatiling ligtas. Sa kasalukuyan ay

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Paghahanda ng taumbayan sa kalamidad, pinuri ng LASAC

 7,483 total views

 7,483 total views Nalulugod ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) na unti-unting natutuhan ng mamamayan ang paghahanda sa mga kalamidad. Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer sa kanilang paglilibot sa mga parokyang apektado ng Bagyong Kristine ay naibahagi ng mga nagsilikas na residente ang pagsalba ng mga Go Bags na isa sa mga pagsasanay

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

“The worst flooding that we have experienced,’’ – Legazpi Bishop Baylon

 11,376 total views

 11,376 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Legazpi para sa katatagan ng mamamayang labis naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ayon kay Bishop Joel Baylon ito ang pinakamalubhang pagbaha na naranasan sa lalawigan ng Albay sa loob ng tatlong dekada. “In the last 30 years this is the worst flooding that we have experienced here in

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Kaligtasan ng mamamayan mula sa malakas na lindol, panalangin ng Obispo

 10,259 total views

 10,259 total views Ipinapanalangin ni Virac Bishop Luisito Occiano ang kaligtasan ng mamamayan ng Catanduanes at karatig lalawigan kasunod ng 6.1 magnitude na lindol. Apela ng obispo sa mamamayan na magtulungan ipanalangin kasabay ng pagiging alerto sa epekto ng mga pagyanig. “Nakausap ko yung mga pari na assign dun sa lugar ng epicenter awa ng Diyos

Read More »
Environment
Norman Dequia

Huwag gumamit ng plastic campaign materials, panawagan ng Obispo sa lahat ng kandidato

 9,094 total views

 9,094 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng mga kakandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections na iwasan ang paggamit ng mga plastic campaign materials. Binigyang diin ng obispo na bahagi ng paglilingkod sa bayan ang pangangalaga sa kalikasan kaya’t dapat itong isaalang-alang sa pangangampanya. “An essential aspect of public service

Read More »
Environment
Norman Dequia

Copernicus Programme, ibinahagi ng EU sa Pilipinas

 17,076 total views

 17,076 total views Patuloy ang pagtutulungan ng Pilipinas at European Union sa mga programang makatutugon sa pangangailangan ng komunidad. Itatampok ng EU ang suporta sa Pilipinas sa pamamagitan ng Copernicus Programme sa paggunita ng Philippine Space Week mula August 9 hanggang 14 sa Gateway Mall ng Araneta City. Suportado CoPhil ang Philippine Space Agency at Department

Read More »
Environment
Norman Dequia

Hilingin ang patnubay ng panginoon, apela ng Obispo sa mamamayan

 17,278 total views

 17,278 total views Hiniling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mamamayan na sundin ang mga inaatas ng kinauukulang ahensya kaugnay sa nagpapatuloy na epekto ng bagyong Carina at Habagat. Ayon sa obispo mahalaga ang pagsunod upang maiwasan ang anumang pinsala na maaring idulot ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Luzon lalo na sa Metro

Read More »
Environment
Norman Dequia

Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

 32,595 total views

 32,595 total views Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City. Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the

Read More »
Environment
Norman Dequia

Emergency Operation Center, binuksan ng Caritas Philippines

 14,878 total views

 14,878 total views Patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubhang apektado ng low pressure area sa Mindanao. Inilunsad ng Humanitarian Office ng Caritas Philippines ang kanilang Emergency Operational Center upang agarang matukoy ang sitwasyon sa mga apektadong diyosesis at matugunan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Proteksyon sa coastal areas at marine resources, panawagan ni Senator Villar

 4,367 total views

 4,367 total views Inihayag ni Senator Cynthia Villar na dapat paigtingin ng mamamayan ang pangangalaga at proteksyon sa coastal areas at marine resources sa bansa. Sinabi ng mambabatas na chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na mahalagang mabigyang proteksyon ang karagatan at wetlands lalo’t isang archipelago ang Pilipinas na pinanahanan ng iba’t

Read More »
Environment
Norman Dequia

Climate mapping, panawagan ng grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan

 5,720 total views

 5,720 total views Umaasa ang grupo ng magsasaka na magkaroon ang Pilipinas ng wastong weather o climate mapping para makatulong sa mga manggagawang bukid. Ayon kay Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagdesisyon ng mga itatanim sang-ayon sa panahon. Ito ang tugon ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Seasons of Creation: Ipagmalaki ang lahing Katutubo!

 2,916 total views

 2,916 total views Hinimok ng dating obispo ng Diocese of Novaliches ang mamamayan na lingapin at pahalagahan ang mga katutubo sa bansa. Ayon kay Bishop Antonio Tobias malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga katutubo lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 9, ang huling

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kalikasan at halalan.

 2,651 total views

 2,651 total views Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napagkasunduan ng mga obispo sa bansa ang maigting na pagpapatupad sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan. Binigyang-diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Menor de-edad, pinayagan ng pumasok sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu

 2,681 total views

 2,681 total views Pahihintulutan na ng Basilica Minore Del Santo Nino De Cebu ang mga batang menor de edad na makapasok sa simbahan. Ito ang anunsyo ng basilica kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions at pagbaba sa low risk status ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health. Sa pahayag ng basilica ng Santo Nino

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Bangon Batanes online concert, ilulunsad ng Prelatura ng Batanes

 4,014 total views

 4,014 total views Nanawagan ang Prelatura ng Batanes sa mamamayan ng suporta sa isasagawang online concert para sa pagbangon ng Batanes na lubhang napinsala ng bagyong Kiko. Ayon kay Fr. Vhong Turingan, chancellor ng prelatura, pangungunahan ng OPM artist ang online concert na layong makalikom ng pondo para sa pagsasaayos sa mga napinsala at pagbangon ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top