231 total views
Umapela ng panalangin ang bagong talagang Philippine Ambassador to the Holy See na si Grace “Nanay Amba” Relucio-Princesa para sa positibong tugon ng Commission on Appointment sa pagtatalaga sa kanya bilang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Roma.
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pasasalamat si Ambassador Prinsesa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagtalaga sa kanya sa naturang posisyon.
“Ipagdasal po natin ang smooth confirmation sa Commission on Appointment and then ang agreement po ng Vatican. Malaking step na po ito, salamat kay Pres. Duterte for nominating me.” pahayag ni Relucio-Princesa sa panayam sa Radyo Veritas.
Bukod dito, naniniwala rin si Ambassador Prinsesa na siya ay inihanda ng Panginoon para sa kanyang pagganap sa posisyon bilang Philippine Ambassador to the Holy See sa pamamagitan ng kanyang pagiging lantad sa iba’t ibang mga usapin tulad ng migration, Human Trafficking, Climate Change at pagharap sa media.
Pagbabahagi pa ni Ambassador Prinsesa, malaki ang maitutulong ng kanyang karanasan sa pagiging Ambassador of the Republic of the Philippines to the United Arab Emirates at pagiging malapit sa Simbahan upang mas maging epektibo sa kanyang panibagong posisyon.
“Actually po, sa tingin ko hinanda lang ako ni Lord sa mga issues na issue din po ng Vatican, issue din ng Pilipinas which is migration and trafficking. God allowed me to the masteral immigration parang ako pa lang ata yung ambassador na tinest ni Lord na may masterado sa media and then climate change po dahil tayo ay impacted ng disaster and coincidentally po ako taga Ligao, Albay I grew up with typhoons and Mayon. Interface issues, yun po ang talagang parang hinanda ako ni Lord para lalaliman ko po ang ating pananampalataya…” ayon pa ni Ambassador Prinsesa.
Samantala, tiniyak naman ni Ambassador Prinsesa na alay niya sa Panginoon at sa bayan ang makatulong sa pamamagitan ng kanyang bagong posisyon bilang kinatawan ng bansa sa Vatican.
Si Prinsesa ay nagtapos ng Foreign Service in University of the Philippines at 20-taon sa Philippine Diplomatic Service bago naging Assistant Secretary of Foreign Affairs Department’s Legislative Liaison Unit.