228 total views
Umaabot na sa higit 77 libo ang fully vaccinated sa ilalalim ng pangangasiwa ng Diocese ng Kalookan.
Ayon kay Fr. Rene Richard Bernardo, head ng Diocesan Health care Ministry ng Kalookan ito ay mula sa vaccination centers ng mga parokya mula sa Malabon, Navotas at Caloocan.
Tiniyak din ng pari na patuloy na pagsasagawa ng pagbabakuna hangga’t may kailangan pang bakunahan at suplay ng gamot mula sa lokal na pamahalaan.
Nagpapasalamat din ang pari sa lahat ng volunteers na nagbahahagi ng kanilang tulong upang maisakatuparan ang programa na layong maging ligtas ang pubiko mula sa nakakahawang sakit.
“Muli, sa ngalan ng Minamahal na Obispo ng Kalookan, Bishop Ambo David, Maraming Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pagtugon, pagmamalasakit, at sakripisyo,” ayon kay Fr. Bernardo.
Una na ring inihayag ng pari na tumatanggap na rin sila ng mga walk-in na magpapabakuna lalu na ang mga senior citizen at person with disabilities.
Paalala ng pari sa mga nais na magpabakuna na alamin ang vaccination schedule ng mga parokya.
Kabilang sa mga parokyang itinalaga bilang vaccination centers ng diocese ay ang mga sumusunod:
CALOOCAN:
Notre Dame of Greater Manila
St. Gabriel the Archangel Parish
Shrine of Our Lady of Grace
San Roque Cathedral
San Exequiel Moreno Parish
MALABON:
Sts. Peter & John Parish, Potrero
Immaculate Conception Parish, Conception
Immaculate Heart of Mary Parish, Maysilo
San Bartolome Parish de Malabon
San Antonio de Padua Parish, Tonsuya
NAVOTAS:
San Jose Academy