247 total views
Pinaalalahanan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang mga uuwing Overseas Filipino Workers ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, mainam na iwasan ng mga OFWs na gumastos at magpatukso sa sales sa mga malls at sa mga lugar aliwan o pasyalan na nang – aakit sa taumbayan ngayong Pasko.
Bagkus inimbitahan rin ni Bishop Santos ang mga balikbayan na gugulin ang kanilang Christmas vacation kasama ang kanilang anak lalo na sa pagdalo sa mga Missa de Gallo o Simbang Gabi.
“All the malls are aglow with tinsel and gliterring decorations and sales galore that are certainly enticing especially to our OFWs. But instead of succubing to the sweet call of the malls and entertainment places. I invite our OFWs to bond with more meaningful activities that would allow them to deepen their relationships and family ties. I encourage them to spend time in Church and, maybe participate in the Simbang Gabi and the traditional Christmas and New Year masses,”paanyaya ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Hinimok rin ni Bishop Santos ang mga OFWs na magtipid at bigyang prayoridad ang pagtulong sa kanilang pamilya at huwug nagpapasilaw sa mga mamahaling kagamitan na wala namang halaga at siguruhin na may maiiwanang perang gagastusin ng kanilang kaanak.
“I caution them to spend wisely and save money; to prioritize and make sure that money will be put to productive use, especially when they leave their families behind when they return to their overseas work. They should resist the temptation to show off and make luxury purchases that provide only empty gratification,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Samantala ayon sa Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5-libong mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw na kung susumahin ay tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon ang lumalabas at nangingibang bansa upang maghanapbuhay.
Nauna na ring kinilala ng kanyang Kabanalan Francisco ang pagsasakripisyo ng mga OFWs kung saan batay sa ulat ng World Bank ’s Migration and Remittances Factbook 2016 ay ikatlo ang Pilipinas sa buong mundo na pinakamalaki ang natatanggap na remittances na umaabot sa $29.7 bilyon dolyar ngayong 2016.