197 total views
Ito ang layunin ng Journalism Workshop na inorganisa ng Asian Catholic Communicators Inc. noong ika-22 ng Hulyo, para sa mga Parokya, Diyosesis at iba’t – ibang institusyon ng simbahan.
Ayon kay Fr. John Klen Malificiar, Presidente ng ACCI, sa tulong ng mga pag-aaral ay maipapaalam sa bawat parokya at institusyon ang kahalagahan ng pagbuo ng communication team na magsisilbing tagapagsalita ng bawat simbahan.
Dagdag pa ng Pari, sa pamamagitan nito ay mapagbubuklod at magiging magkakaugnay ang bawat Parokya dahil sa impormasyong kanilang ibinabahagi sa bawat isa.
“We really want to connect parishes… We are encouraging our parishes to form a communication team, this is a year of the parish, kaya we want to connect this Parishes para magkaroon tayo ng networking na tinatawag, so yun ang pinaka end goal talaga, hindi lang sya journalism but also networking so we can communicate in communion together as a parish, as a community,” bahagi ng pahayag ni Fr. Malificiar sa Radyo Veritas.
Tiniyak ng Pari na kahit natapos na ang Journalism Workshop ay patuloy na susuportahan ng ACCI ang mga parokya at Diyosesis sa pagpapatatag ng kanilang Communications team sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa ACCI.
“This is a small step towards that goal, we want more parishes to be connected, so kung meron talagang maorganize na mga Parokya, we will feed them information that will help also in the organization of Parishes,” dagdag pa ng Pari.
Isa ring layunin ng Workshop ang pagpapalawak sa paggamit ng Social media upang makapagturo ng Salita ng Diyos ang bawat Parokya sa pamamagitan ng digital media.
Samantala, umabot sa 36 na indibidwal ang nakilahok sa workshop noong ika-22 ng Hulyo, na nagmula sa iba’t ibang parokya sa ilalim ng Archdiocese of Manila, Diocese of Cubao, Novaliches, Pasig, Parañaque, Archdiocese of Lipa at ilang Catholic Schools.
Ayon nga sa mensahe ni Pope Francis sa 50th World Day of Social Communications ang Social Networks ay biyaya ng Panginoon sa tao, gayun man ipinaalala ng Santo Papa na mahalagang gamitin ito sa kabituhan at pagbuo ng mga ugnayan, at iwasan ang paninira na nagdudulot ng pagkakawatak-watak.