205 total views
‘Huwag gawing pera – pera lang ang remittances ng mga Overseas Filipino Worker.
Ito ang naging paaala – ala ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga pulitiko na minsan ay ibinubulsa lamang ang kaban ng bayan at hindi natutumbasan ng programa para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga migranteng Filipino.
Hinimok ng chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga opisyal ng pamahalaan na suklian ang pagsasakripisyo ng mga OFW higit pa sa pagpaparami ng mga minahan at casino sa bansa.
“Those money are products of their sacrifices and sufferings. They are not just “pera-pera lang. So misuse or abuse or in concrete term “plunder” of those remittances is heinous crime. Their remittances assist and contribute most to our country more than mining, casino. We see here their importance, their sacrifices.”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Iginiit pa ni Bishop Santos na napapanahon na rin na tanggalin ang ipinapatong na P550-pesos na terminal fee, tulungan ang mga nakabilanggong OFW at kasuhan ang mga illegal recruiters na nagdudulot lamang ng kapahamakan sa buhay ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat.
“We must be grateful to our OFW, and to be grateful is to do what is best for them, like for example scrap the 550 terminal fee, assist and help those in prison and prosecute those illegal recruiters.”giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Kaugnay nito, pinayuhan ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang pamahalaan na huwag sirain ang pag-asa ng bawat Pilipino sa kaunlaran.
Read: http://www.veritas846.ph/huwag-sirain-ang-pag-asa-ng-bawat-pilipino-sa-kaunlaran/
Naitala naman ang pinakamataas na antas ng halaga ng perang ipinadala ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak dito sa bansa noong Disyembre 2016 na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay umaabot sa 2.56 bilyong dolyar.
Ayon sa BSP, ito ang pinakamalaking monthly inflow cash remittance na naitala sa kasalukuyan.
Sa kabuuan ng taong 2016, pumalo sa 26.9 na bilyong dolyar ang perang pumasok sa bansa na nagmula sa mga OFW na mas mataas ng limang porsiyento kumpara noong 2015.