Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pananahimik ng PNP sa laganap na EJK, pinuna

SHARE THE TRUTH

 188 total views

Tahasang inihalintulad ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David,chairman ng CBCP Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church sa mga anay na sumisira sa lipunan ang mga nasa likod ng pamamaslang at pagpatay sa mga inosenteng mamamayan sa lungsod ng Navotas, Kalookan at Malabon.

Sa misa para sa isinagawang Walk for Life ng Diocese of Caloocan sa Navotas City, matapang na inilarawan ni Bishop David ang pagkakakilanlan ng mga grupong pumapatay na ang ilan ay tinatawag na Death Squad at Bonnet Gang na araw-araw gumagawa ng krimen sakay ng mga motorsiklong walang plaka.

Pagbabahagi ng Obispo, isang malaking katanungan kung bakit hindi nahuhuli ang death squad sa kabila ng presensiya ng mga pulis, barangay tanod at mga CCTV.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay umaabot sa 30-indibidwal ang napapaslang ng mga hindi kilalang salarin.

“Hindi lang mga bahay ang inaanay. Ang lipunan din. Tulad ngayon, nasa ating piling dito sa Navotas, Caloocan at Malabon ang mga mamamatay-tao. Sa loob lang ng tatlong linggo halos tatlumpu ang napatay nila dito lang sa Navotas. Araw-araw silang pumapatay. Kung minsan isang grupo kung bumanat, nakabonnet, nakamotorsiklong walang plaka. Palipat-lipat, pero tulad ng anay na puti hindi sila nakikita. Hindi sila nahuhuli ng mga pulis, hindi rin sila nakikita ng mga tanod sa barangay, kahit merong cctv sa bawat kanto.”bahagi ng homiliya ni Bishop David sa isinagawang misa sa San Jose de Navotas Church.

Ibinahagi naman ni Bishop David ang kanyang naging pakikipagpulong sa mga alkalde ng Navotas, Caloocan at Malabon na tatlong lungsod na nasa ilalim ng Diocese of Caloocan at hinimok ang mga itong puspusang isulong ang imbestigasyon at pagbibigay katarungan sa mga kaso ng pagkamatay sa tatlong syudad.

Bukod dito, inilarawan rin ni Bishop David bilang anay ang takot na nananaig sa puso’t-isip ng mga naging saksi sa mga serye ng pagpaslang upang hindi isiwalat ang mga nasaksihan sa pangambang madamay ang mga mahal sa buhay.

“Ang mga puso at isip natin, inaanay din. Kinakain ng takot at pangamba. Marami naman talagang nakakakita,
pero pabulong sinasabi, baka nga naman kasi madamay pa sila. Baka balikan sila, baka gantihan. Baka ilagay din ang pangalan nila sa drug watch list na ngayon ay naging death list. Baka saktan nila ang pamilya mo, nanay mo,
anak mo, kapatid mo. Kaya tatahimik ka na lang.” Ayon pa kay Bishop David.

Kaugnay nito, inihayag ng Obispo na isang malaking katanungan kung ano ang pakahulugan ng Philippine National Police sa salitang “kriminalidad” dahil sa kabila ng tumataas na kaso ng pagpatay sa hindi lamang sa Navotas, Malabon at Caloocan kundi sa buong bansa ay ipinagpipilitan pa rin nilang bumaba ang crime index.

Sa huli, mariing nanawagan ng pagkakaisa, katapangan at paninindigan si Bishop David upang mapanatiling sagrado at banal ang buhay na nagmula sa Panginoon at hindi mauwi sa mga bilang o statistic lamang ng mga namamatay.

“Huwag nating hahayaang ang mga buhay ng mga taong nilikha ng Diyos na sagrado at banal ay mauwing mga statistics o bilang na lang.” Ang apela ni Bishop David.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,367 total views

 4,367 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,482 total views

 14,482 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,059 total views

 24,059 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,048 total views

 44,048 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,152 total views

 35,152 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 17,719 total views

 17,719 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 14,666 total views

 14,666 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 14,926 total views

 14,926 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 15,519 total views

 15,519 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 16,123 total views

 16,123 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 20,789 total views

 20,789 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 14,450 total views

 14,450 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 14,031 total views

 14,031 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag magpasilaw sa popularidad ng sinumang kandidato.

 11,580 total views

 11,580 total views Ito ang bahagi ng panawagan sa publiko ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity matapos ang walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga naghahangad na kumandidato para sa 2025 Midterm Elections. Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, bilang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan ng VIPS

 14,405 total views

 14,405 total views Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon. Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Korte Suprema, pinuri ng CHR

 13,932 total views

 13,932 total views Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na hindi na kinakailangan pa ng proof of resistance o patunayan ng mga biktima ng panggagahasa ang pagtutol sa mga kaso ng pang-aabuso o sexual assault sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Ayon sa komisyon na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Libreng entrance exam fee sa kolehiyo, pinuri ng CHR: Mas malawak na scholarship program, iminungkahi

 13,710 total views

 13,710 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa naisabatas na Republic Act No. 12006 o tinatawag din na “Free College Entrance Examination Act” na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong mag-aaral. Ayon sa komisyon, malaking tulong para sa bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

 13,503 total views

 13,503 total views Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa 38th National Migrants Sunday

 17,386 total views

 17,386 total views Inaanyayahan ng Pastoral Care for Families of Migrants and Itinerant People of Novaliches (PAMINOVA) ang publiko partikular na ang kapamilya ng mga migrante na makibahagi sa nakatakdang paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday. Ayon sa PAMINOVA, layuning ng diyosesis na gunitain at alalahanin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Priests and politicians are bound for a common goal, to serve the country

 14,767 total views

 14,767 total views Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga lingkod ng Simbahan at mga halal na opisyal ng pamahalaan ay kapwa may pambihirang tungkulin at responsibilidad para sa kapakanan ng taumbayan. Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter of

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top