228 total views
Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na patuloy ang kanilang paghahanda para sa isasagawang Sangguniang Kabataan at Barangay Election.
Ito ang pagtitiyak ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa panayam ng programang Truth Forum ng Radio Veritas.
Giit ni Jimenez bagama’t may mga usapin hinggil sa pagtatalaga na lamang ng mga Barangay officials ay wala pa namang batas na inilalabas para isagawa ito.
‘Kaya kami hanggat walang batas, patuloy ang paghahanda nami para sa election.Halimbawa, nagsimula na kami ng bidding. Lahat ng preparatory activities ginagawa na natin, ayaw namin magbagal-bagal tapos tuloy pala ‘, ayon kay Jimenez.
Matatandaang hindi natuloy ang SK elections noong 2013 at 2016 dahil sa binalangkas na batas na isantabi muna ang halalan para magkaroon ng reporma, habang nabalam din ang Barangay Election noong 2016 na dapat na isagawa ngayong Oktubre 2017.
Ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 42 libong barangay sa buong bansa na naghahanda para sa halalan sa ika-27 ng Oktubre.
Hindi rin sumang-ayon si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na italaga na lamang ang mga opisyal ng barangay sa halip na sa pamamagitan ng halalan.
http://www.veritas846.ph/mamamayan-binalaan-sa-pagiging-authoritarian-ni-pangulong-duterte/
Giit ng Obispo, ang paghahalal ay isang karapatan ng mamamayan sa pagpili ng mga pinuno lalu na’t umiiral sa bansa ang demokrasya. (Veritas News Team)