September 17, 2014

Pagbabago sa Klima

Hindi na normal ang nagaganap sa ating klima. Ito ang katotohanan na dapat tanggapin ng bawat Pilipino at lalung-lalo na ng ating pamahalaan.Hindi na nga biro o haka-haka lamang ang abnormal na pagbabago ng ating klima o tinatawag na climate change. Ang patuloy na pagbuga ng mga tinatawag na greenhouse gases mula sa mga pabrika at sasakyan, halimbawa, ay isa sa mga itinuturong dahilan sa patuloy na pagbabago sa ating klima. Isa pang itinuturong dahilan ay pagka-ubos ng mga likas na yaman katulad na lamang ng mga kagubatan. At ang pinaka-kongretong resulta nga nito ay ang abnormal na pagbabago ng temperatura ng ating mundo.

At dahil sa abnormal na pagbabagong ito, ang mainit na panahon ay lalong umiinit. Ang malakas na pag-ulan ay higit pang tumitindi. Ang pagbisita ng mga bagyo ay lalo pang napapadalas. At sa  banta ng pagtaas ng tubig-dagat, nanganganib lumubog ang mga komunidad sa tabing-dagat. Ayon sa World Wide Fund for Nature o WWF, ang Pilipinas ang isa sa mga pinakama-aapektuhang bansa sa sandaling tumama ang mga kalamidad na ito sa atin.

Ayon nga sa matagal nang inilabas na report ng National Statistical Coordination Board o NSCB, ang tunay na mas nakakaalarma ay resulta ng mga pag-aaral na ang pangunahin daw sa pinakama-aapektuhan ng pagbabago at abnormal na kalagayan ng klima sa bansa ay ang mga mahihirap. Ayon dito, ang mga mahihirap ang mas tatamaan ng mga landslides. Ayon pa dito, ang mga mahihirap na probinsiya din sa ARMM, Region IX, at Region XIII sa Mindanao ang siyang pinakamaaapektuhan ng ano mang pagtaas ng lebel ng karagatan. Hindi ba’t ito na nga ang nangyayari ngayon sa ating bansa?

Ngayon nararanasan na natin ang matitinding epekto ng ating hindi magandang relasyon sa ating kapaligiran, makiisa sana tayo sa mga proyekto at programang may layuning pangalagaan at protektahan ang kalikasan. Kailangang lagiang pakatandaan ng bawat tao na ang kanyang kapaligiran ay kaloob ng Diyos na kailangang panatilihing malinis, maayos, mayaman at sagana.

Ipinahayag mismo ni Blessed John Paul II sa isang internasyunal na kumperensiya tungkol sa Kalikasan at Kalusugan na dahil sa labis na exploytasyon ng mga tao sa kalikasan at dahil na rin sa epekto ng ilang mga makabagong teknolohiya ay umabot na sa kritikal na punto ang ating mundo. Ang mga mapang-abusong gawain ng tao ay patuloy na nagbibigay banta sa seguridad at integridad ng mga likas na yaman ng mundo.

Dahil dito, ipinahayag din ni Blessed John Paul II sa kanyang encyclical na Centesimus Annus na kailangang maibalik ang tunay na relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Kailangan alalahanin ng bawat tao na ang lahat ng ibang nilalang at bagay sa mundo ay kaloob ng Diyos at ang pangangalaga at pagrerespeto sa mga ito ay isang manipestasyon din ng paggalang sa Panginoon.

Mahalin na nga sana natin ang ating kapaligiran. Huwag na natin itong abusuhin. Bagkos, magkaisa tayong lahat para muling manumbalik ang magandang relasyon ng tao at ng kanyang kapaligiran.

 


by: Fr. Anton CT Pascual

Comments
One Response to “Pagbabago sa Klima”
  1. Mary says:

    Have you heard of CHEMTRAILS, HAARP ….. Please watch this This film is the follow-up to the groundbreaking documentary “What in the World are They Spraying?” which woke up millions to the damaging effects of chemtrails and other geo-engineering programs. As a result, movements around the world are being formed to address these crimes and many concerned citizens are taking action. As people become aware of “what” is happening, they are now asking the even more important question of “why” it’s happening. Michael J. Murphy, originator and Co-Producer of “What in the World are They Spraying?,” in association with Barry Kolsky, have produced “WHY in the World are They Spraying?” to answer that question.
    Get ready to uncover:
    The environmental and human health implications of geo-engineering programs.
    How geo-engineering can be used to control our weather.
    What industries benefit from geo-engineering programs.
    How the spraying affects you, your family and the future of humanity.
    In this documentary you will learn how the aerosols being sprayed into our sky are used in conjunction with other technologies to control our weather. Geo-engineers maintain that their models are only for the mitigation of the now widely debunked theory of global warming. What is clear is that the chemtrail/geo-engineering can be used as a way to consolidate an enormous amount of both monetary and political power into the hands of the technocratic elites. Certain international corporations can now leverage weather control to gain power over the Earth’s natural systems. This of course, is being done at the expense of every living thing on the planet. WHY in the World are They Spraying? is a must see film and will revolutionize the environmental movement.
    http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=mEfJO0-cTis

Leave A Comment

CAPTCHA Image
*