249 total views
Labis na ipinagpasalamat ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena, ang “cash donation at bigas” na ipapadala ng Caritas Manila para sa mga Internally Displaced Persons o IDP’s na apektado ngayon ng krisis sa Marawi.
Ayon kay Bishop Dela Peña, malaki ang pangangailangan ng tulong ng mga apektadong residente at ikinagagalak niya ang pagtugon dito ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika gaya ng Caritas Manila.
“Nagpapasalamat po kami sa inyong maagap na pag tugon sa pangangailangan ng ating mga evacuees at talagang kailangang kailangan nila ang inyong tulong at ang patuloy ninyong pagpaparating at paghahatid ng tulong para sa kanila.” pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.
Sinabi ng Obispo na nakipagtutulungan sila sa Diocese ng Iligan kung saan sila nagtayo ng Command Center.
Aminado ang Obispo na mahirap para sa Simbahan Katolika ang magsagawa ng relief operation ngunit nais pa
rin nilang makatulong sa mga apektadong residente.
Tiniyak ng Obispo na isusunod nila ang rehabilitation assistance sa oras na bumuti na ang sitwasyon sa Marawi.
“Ang hirap lang kasi kung food [Items] ang ipapadala mahirap ang delivery at it will take time … Later stage we’ll be going to rehabilitation.”wika pa ng obispo ng Marawi.
Kaugnay nito, Inaasahan na ang Visayas-Mindanao Office ng Caritas Manila sa pamamahala ni Rev. Fr. Emerson Luego ng Diocese of Tagum ang mangunguna sa paghahatid ng 100 Kaban ng bigas para sa apektadong residente ng Marawi.
Naunang tinugunan ng Caritas Manila ang panawagang tulong ni Bishop dela Pena.
Read:
Caritas Manila sends help for families affected by violence in Marawi City
Inihayag ng Caritas Manila na bukas ang kanilang tanggapan para tanggapin ang ano mang tulong at maari din makipag-ugnayan sa himpilan ng Radyo Veritas.