October 2, 2014

Mga TV networks, hinimok na maging sensitibo sa kanilang mga palabas

download (2)
Manila,Philippines– Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga producers at writers na maging kritikal at sensitibo sa ginagamit na tema sa mga palabas sa telebisyon.Ginawa ni CBCP Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr.Kunegundo Garganta ang pahayag kaugnay sa palabas sa telebisyon na may “Husband Lover”.

Ayon kay Fr.Garganta, dapat pag-aralang mabuti ng mga producer,writer at TV networks ang tema ng kanilang palabas na nakabatay sa moralidad na pinapahalagahan ng lipunan.

Sinabi ng pari na mahalagang magkaroon ng guidelines sa tema na sinusundan ang mga gumagawa ng teleserye o anumang palabas sa telebisyon na pinapanood ng publiko partikular na ang mga bata.

Binigyan diin ni Fr.Garganta na ang prevention aspect o component na nangangalaga sa sensitivity ng mga palabas ay kailangang magsimula sa institusyon na may gawa ng mga palabas.

Bukod dito, hinimok din ng pari ang mga TV networks na ikunsedera din ang implikasyon o impak ng kanilang palabas sa kamalayan ng mga manonood o TV viewers.

“Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng  “My Husband’s Lover” na sana maisa-alang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad.Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye”.pahayag ni Fr.Garganta sa panayam ng Radio Veritas

Aminado naman si Fr.Garganta na mayroong demokrasya o kalayaan ang lahat ng tao na dapat namang gamitin ng tema hindi lamang ang hangaring kumita.(Riza Mendoza)

Leave A Comment

CAPTCHA Image
*