228 total views
Walang kapayapaan at walang kaunlaran na magaganap sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations, lahat ay talo dahil may kaguluhan at walang pag-unlad sakaling hindi na matuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
“We will be like the previous years na magkakaroon ng setback in terms of walang peaceful at development sa Mindanao and other parts of the country, instead of win-win solution lahat tayo lose-lose solution.” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Radio Veritas.
Dahil dito, umaasa ang arsobispo na matutuloy din ang peace talks sa magkabilang panig na aniya kung wala ng kaguluhan, magkakaroon ng pagkakaisa at mabebenepisyuhan nito ang mga nasa kanayunan.
Pahayag ng arsobispo, makakamit lamang ito kung magkakaroon ng seguridad at sinseridad ang magkabilang panig.
“Dapat kasi sa peace talks ang security and sincerity on both side. Kung wala na kasi giyera we can really work together for countryside development at yan din ang inaasahan ng NDFP panel na magkakaroon ng mga asset at social economic reform.” ayon pa sa arsobispo.
Kamakailan nagdesisyon si Pangulong Duterte na itigil na ang peace talks na nasa ikatlong rounds na sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP kasunod ng pag-bawi rin niya ng unilateral ceasefire sa New People’s Army bunsod na rin ng pagpatay ng mga rebelde sa tatlong sundalo.