193 total views
Ito ang hinihingi ni Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) national chairperson Gloria Arellano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong ibibigay sa mga miyembro ng grupo ang housing units para sa mga sundalo at pulis sa Pandi Bulacan.
Inihayag ni Arellano na kailangan ng KADAMAY ng kasulatan o anumang patunay na sila na ang legal na nagmamay-ari ng mga bahay.
“Kailangan pa rin namin ng kasiguraduhan, may kasulatan kung saan ipapaabot namin kay Pangulong Duterte na kung puwede harapin niya kami sa Malacañang para magkaroon po ng kasiguraduhan sa mga sinasabi niya.”pahayag ni Arellano
Ayon kay Arellano, 5,918 units lamang mula sa 10,000 housing units ang naukupahan ng KADAMAY sa Pandi habang 10-libo naman sa kanilang mga miyembro ang wala pang matitirhang bahay.
Kasabay nito, nanawagan rin si Arellano sa kinauukulan na tugunan ang kawalan ng supply ng tubig at kuryente sa lugar gayundin ang sira-sirang kabahayan.
Nauna rito, nanawagan si SIKAP Laya lead convenor Father Pete Montallana na aksiyunan ang problema sa pabahay para sa mga maralita.
Read: http://www.veritas846.ph/pangulong-duterte-pinaalalahanan-sa-pangako-sa-mga-maralita/
Batay sa panlipunang katuruan ng simbahang katolika, tungkuling ng bawat tao na tulungan ang kanyang kapwang walang nasisilungan dahil ang sinumang tumulong sa nangangailangan ay tutulungan din ng ating Ama na nasa langit.
Kaugnay nito, iimbestigahan ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ang sinasabing illegal na pag-ukopa ng grupong KADAMAY sa housing project ng pamahalaan sa Pandi,Bulacan.