220 total views
Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng “Earth day, Mercy2Earth” walk sa Sabado ika-22 ng Abril 2017 sa Luneta park o Quirino grandstand.
Hinimok ni Cardinal Tagle ang mamamayan na sumama sa “Mercy2Earth” walk upang ipakita ang pagkakaisa sa pagbibigay proteksiyon sa God’s creation mula sa acts of apathy,heartlessness at greed na nagdudulot ng climate change at banta sa sagradong buhay.
“Our celebration of the Earth Day and the Divine Mercy Sunday this weekend offers a well- timed opportunity for all of us to gather together and manifest our unity to protect God’s creation from acts of apathy, heartlessness and greed that contribute to climate change and harm human life and dignity,”mensahe ni Cardinal Tagle
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang “Mercy2Earth walk” ay magandang pagkakataon ng pagkakaisa para sa kalikasan kaalinsabay ng Paris Agreement on Climate Change agreement.
“Incidentally, our gathering falls on the day when the Paris Agreement on Climate Change, which aims to limit global warming to 1.5 degrees Celsius, will enter into force for the Philippines. This makes our celebration even more historic and timely,” he added.
Inihayag naman ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang Earth Day ay paalala na mahalagang bahagi ng pananampalataya ng bawat tao ang pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng Earth day ay maipaabot sa mas maraming tao ang turo na nasasaad sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis at mababahaginan ang taumbayan ng mga pamamaraan ng pagtitipid at pag-iwas sa pagkakalat na isa sa mga sumisira sa kalikasan.
Hinikayat ng Obispo ang mamamayan na sumama sa Mercy2Earth at least ipagdasal ang pangangalaga sa kalikasan.
Nanawagan din si Father Ric Valencia – Priest In-Charge ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry ang taumbayan na ipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan at awa sa kapwa.
Ayon kay Father Valencia, mahalaga din ang pananalangin upang magabayan ng Panginoon ang pang-araw-araw na buhay ng bawat tao, at tunay na maipamalas ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.
Ang “Mercy2Earth” ay Radyo Veritas, Climate Change Commission, Greenpeace Asia, Climate Realiy Project, Ecowaste Coalition, Villar Sipag Foundation, National Park Dev’t Committee of the Department of Tourism, Metro Manila Development Authority, United Recyclers Organization of the Philippines, at Catholic Stewards of Creation, Inc.
Sa Sabado, ganap na alas 6 ng umaga sisimulan ang prusisyon mula sa apat na lugar; (1) Intramuros Ferry Station (2) Mabini Corner Faura (3) Pope Pius Center, United Nations Ave. (4) Plaza Miranda, Quiapo, at didiretso ito sa Luneta Park sa bahagi ng Lapu-Lapu Monument. Magkakaroon dito ng maikling programa na susundan ng mga workshop at exhibit na magpapakita ng maayos na pagproseso sa mga plastic at iba pang uri ng mga basura.