196 total views
Ito ang payo ni CBCP – Episcopal Commission on the Laity chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya ngayong Pasko.
Hinimok ni Bishop Pabillo ang mamamayan na huwag magpasilaw o ma-engganyo sa mga mamahaling Christmas decorations at mga kagamitan na pang – reregalo sa kapaskuhan.
Sinabi ni Bishop Pabillo na mainam na gamitin at tangkilikin ang mga palamuti na gawa sa mga recyclable materials at environmental friendly na gift wrappers.
Pinaiiwas rin ng Obispo ang taumbayan na huwag magpapatukoso sa mga alok na “sale” sa mga malls bagkus ay gugulin ang oras sa pagtulong sa mga dukha.
“Sa panahon natin ngayon hinihikayat tayo na maging simple. Sa tuwing bibili tayo ng regalo sana yung talagang mahalaga, yung mga gamit, at pati yung mga pambalot nito ay dapat simple lang. Kung magde – decorate pwede namang gamitin ang mga nakaraang decorations o kaya kumuha ng mga decorations na biodegradable, yung mga plastic. Gayundin, sa mga pagbabalot ng mga regalo natin, iwasan yung mga plastic kundi simpleng balot lang,”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid sa Nielsen Media Research na sa Timog – Silangan matatagpuan ang tatlo sa 10 malalaking malls sa buong mundo at dalawa sa mga ito ay nasa Metro Manila kung saan 80 porisyento ng mahigit 100 milyong populasyon ng bansa ang bumibisita sa mga malls habang 36 na milyon lamang ang pumupunta sa mga shopping plazas.
Sa liturgical teaching ng Simabahang Katolika, nagsisimulang palamutian ng christmas decorations ang mga altar ng Simbahan sa tuwing unang Linggo ng Adbiyento, ang pagsisimula ng paghahanda sa pagsilang ng Manunubos ng mundo.