|
DZRV Radyo Veritas 846 Khz
Exclusive Interview with
His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales
Archbishop, Archdiocese of Manila
March 22, 2010
Courtesy of Veritas 846 Economics Advocate
Q: Cardinal pinayagan po ng mga mahistrado sa korte suprema na ang pangulong Arroyo ang mag-appoint ng bagong chief justice, ano po ang pananw niyo dito?
A: Yun ay natagas sa saligang batas ng Pilipinas kung ito nga ay isang diwa ay susundin natin yun at kung hindi at may ibang paraan dapat ipaliwang sa atin. kaya tayong mga marurunong dapat tayong umunawa sa batas. sapagakat kung tunay na batas yan at yan ay ipinagkakaloob na ating sundin at kung hindi naman ay tsaka natin ipagdabang na mali ito sapagkat kung talagang ang reputasyon ay isa sa mga institusyon na itong inaakala nilang mabuti ay ating igalang kung hindi naman ay tsaka natin tutulan, sapagkat sa palagay ko naman ay hindi naman barumbado yang mga nagpasa na yan, sa bagay sa batas ay mas marunong yang mga yan sa akin, ewan ko ang ibang mga Pilipino ang mga tsuper at ikaw baka mas marunong, ikaw ay di ikaw ang masusunod, alam ko naman na tayong lahat ay nakakakiintindi ng batas pero yung mga nakarurunong sa atin ang ating sundin.
Q: Paano po kung matataya po yung credibility ng korte suprema sa usapin na ito?
A: Alam mo ang kailangan natin ay yung, ewan ko nga ba kung ang mga Pilipino, baka sinasalangit ay may reklamo e, ang daming marurunong sa atin, Siyempre tama yang sabi niyang pero tama yan na ang kredibilidad pero wala namang mga tarantadong taong nandun din e. iisipin nila yung kinabuksan ng bayan hindi naman yung biyaya na sila ay malagay sa puwesto ako na ang magtatanong sa mga nakikinig ngayon sa mga nakikinig ganyan na ba kasama ang mga Pilipino lahat na lamang ay may reklamo pula tayo, ganyan ba kasama ang mga tao, tulad ikaw janitor ng cook ng driver ay ganun ba kasama siguro kung ganun ay dito huminto na tayo kapag ganyan ay wala tayo nyan lahat masasama na .
Q: So ibig sabihin Cardinal trust ang kailangan sa korte suprema?
A: Naturally at yan ang wala e ang tsuper , baka akala mo isang tao lamang ang dapat magbago, hindi lahat tayo dapat tayong magbago, kaya ba natin yan o gusto natin ay si GMA lamang ang magbago lahat tayo dapat magsimula tayo sa ating mga sarili.
Q: Nalalapit na po ang labor day ano po ang mensahe niyo Cardinal?
A: Una sa lahat ang pagbibigay ng trabaho sa gobyerno, ipagdasal natin na sana ang gobyerno at sampu ng private sector ay makapagpadami ng trabaho at alam no yun hindi lamang sa Pilipinas kundi buong mundo ay nahihirapan maging sa amerika ay nawawala ang trabaho kaya kinakailangan ang isang pamamahala na lilikha ng trabaho para sa mga tao.
Q: Ano po ba Cardinal ang church doctrine pagdating po sa labor at just wage?
A: Siyempre walang pagbabago ang turo ng simbahan ng tao dapat ang sasahurin ng pamilya at sasahurin ay sapat para bumuo ng isang pamilya o family living wage, halimbawa kung sekyu ka lamang e mababa ba dapat ang matatatanggap mo hindi dahil hindi suweldo ang batayan kundi yung panahon yung pagkakataon yung trabaho yung ginagawang yung paglilingkod yaon ay hindi katumbas ay pawis kundi yung pagbuhay pagpapa-aral pagpapakain ng isang pamilya na kinagisnan na naming yan noong estudaynte pa kami ayon sa batas ng kalikasan ay pag ang isang tao ay nagtrabaho kundi hindi piso ang katumbas kundi ang katumbas niyan ay pagpapaaral, pagpapakain at pagbuhay ng isang pamilya.
Q: Ano po ang masasabi nyo bishop hinggil sa pagbibigay ng donasyon ng mga kandidato lalo na at nalalapit na po ang alay kapwa?
A: Ganito kung yung pagbibigay sa simbahan na halimabawa e sa koleksiyon sa misa ay wala tayo masasabi doon na katulad ninyo ay nagbibigay din ng ambag kahit maliiit kapag yun una distinction kapag ay kasama ng karamihan kayong sumisimba after homily ay wala tayong laban doon pero distinction ba kapag ang pagbibigay na parang panunuhol sa pari sa simbahan hindi mabuti yan, ibang usapan na yun hindi maganda yun. Yan ang logical answer doon, ang mali ay pakitang tao at pagpapalitrato kapag lantaran na pakitang tao ay hindi maganada yun hindi dapat tanggapin, kung gusto talaga nila tumulong ederecho nila sa isang institusyon halimbawa sa pondo ng pinoy malaki ang pera napupunta marami ang anonymous dun na nagbibigay ng malakaing halaga sa bank account more that a million di namin alam kung sino yun at kung kanino galing yun hindi naming alam yun ba ay pulitiko o ninikaw ba yan o sino pero ayaw magpakilala e so tinatanggap namin yun kasi ayaw magpakilala.
Q: Tatanggapin po ba ang mga politician na magdonate sa segunda mana?
A: Hindi masama yun, ang hirap kasi sa atin ang tingin sa pulitiko ay lahat ay masama, ano bang klaseng tao tayo bakit wala tayong mapagkatiwalaan, pagpapalagay na may masamang pulitiko lahat ba ay masama, mga tsuper lahat ba ay masama, Journalist lahat ba ay masama, there is something we are looking for, ito ang itinuturo ng simbahan we are looking for a change ang change ay mangaggaling tao, lahat tayo ay dapat magbago, dapat tayung lahat ang magabago.
Q: Mensahe niyo po sa pagbubukas ng 1st charity store?
A: Kung may gamit ka na hindi ginagamit dapat ibigay na dito sa Segunda mana, It is a multiplying a lot of goodness, para bang ngumiti ka lahat kami ay ngingiti, pinapadami nito ang kabutihan ng Diyos, isa ito sa maraming paraan para maipakita natin ang pagmamahal sa kapawa at sa Diyos. Ito yung stewardship and ecology na ang pagmamahal ng Diyos ay laging pinaniniwalaan, kinikilala ito na pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay sa Caritas mapupunta ang kikitain nito, yung mga nasalanta ng Ondoy, Scholarship, kooperatiba at iba pa.

|