338 total views
Matapos ang Huwag Kang Magnakaw advocacy, nakatakdang ilunsad naman ng Archdiocese of Manila ang “Huwag Kang Magnakaw ng Buhay Movement”.
Ayon kay Fr. Nonong Fajardo, head ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry, dito ipakikita kung gaano kahalaga at kabanal ang buhay na ang Diyos lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin at hindi ang kung sino para lamang sa pansariling interes.
Iginiit pa ng pari na hindi lamang isa ang kinukuhanan ng buhay sa bawat pagpatay kundi maging ang mga maiiwanan nitong pamilya.
Igigiit din sa paglulunsad ng adbokasiyang ito na ang lahat ng hakbang ng mga awtoridad laban sa mga sinsabing kriminal ay dapat dumaan sa ‘due process of law’.
“Itong Huwag Kang Magnakaw ng Buhay, sinasabi natin na ito ang buhay ay sagrado at ang Diyos lamang ang maaring kumuha nito, nakikita natin sa mga nakaraang buwan, ninanakaw po ang mga buhay na ito. Nangyari ang naging nature at creator ng buhay ng bawat isa sa atin ay ang mga pumapatay, at hindi nga ito sanction by law dahil walang due process, at nakita natin ang pangyayaring ito ay napakasakit sa bawat isa lalo na sa mga pamilya ng mga namatayan dahil bigla na lang darating sa bahay ang mga ito at papaslangin ang kanilang mga mahal sa buhay.” pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam ng Radio Veritas.
Dagdag ng pari, hinihintay na lamang nila si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nasa labas pa ng bansa para pangunahan ang paglulunsad kasabay na rin ng pagpapakalat nito sa mga paaralan at Simbahan na silang maghahatid ng balita sa taong-bayan.
“Ilulunsad pag dating ng cardinal, ipapasabi natin sa lahat ng mga paaralaan, wala pang tentative date at this point pero ang gagawin natin, papasabi din natin sa Simbahan ipapakita natin na tayo ay naniniwala sa sacredness ng buhay hindi ito maaring nakawin. Upgraded version ating ginagawa na ito mula sa Huwag Kang Magnakaw.” pahayag pa ni Fr. Fajardo.
Sa huling ulat ng Philippine National Police, na bagamat sinuspinde na ang Oplan Tokhang umabot na sa 7,000 ang napatay sa operasyon ng Pulisya kontra iligal na droga na nakalipas na 7 buwan ng Administrasyong Duterte
presidentjoel.wordpress.com/2015/03/29/catholic-church-huwag-kang-magnakaw/