630 total views
Ito ang inihayag ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga negosyante sa bansa upang magkaroon ng kaganapan ang “equal distribution of wealth.”
Sinuportahan ni Bishop Santos ang mensahe ng kanyang Kabanalan Francisco sa mahigit 500 entrepreneurs mula sa iba’t ibang panig ng mundo na makabubuti ang kayamanan kung ito ay nagagamit sa paglilingkod sa kapwa taong nangangailangan.
Mahalaga rin aniya na maunawaan ng lahat na ang salapi ay hindi dapat nagagamit sa pansariling interes lamang kundi para sa ikabubuti ng nakararami nating kababayan na mahihirap.
“Tama lang naman na ang ating entrepreneur ay pinagpala, biniyayaan ng Diyos at ito’y galing sa Diyos. Ibalik nila sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagtulong, pagpapala sa iba. Sila ay binigyan upang makapag – bigay sa ating Panginoong Diyos at ibalik sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa. Ang salapi ang pera ay talagang commodity na dapat gamitin hindi lang sa ating pansariling kapakanan kundi sa kabutihan ng iba, kung tayo ay meron na sapat na kailangan namang yung labis ay ating itulong sa ating kapwa,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na noong 2015 nanatili ang pamilya ni Henry Sy na pinakamayaman sa Pilipinas batay sa listahan ng dollar billionaires club ng Forbes magazine.
Umabot sa $14.8 billion ang yaman ng mall at real estate businessman na nasa pang-73 ng listahan.
Bukod kay Sy, 10 pang Pinoy ang pasok sa listahan na kung pagsasama-samahin ang kanilang yaman na aabot sa P2.28 trilyon ay hindi nalalayo sa national budget ng gobyerno ngayong taong 2016 na aabot sa mahigit P2 trilyong piso.
Nauna na ring ipinaalala ni Apostol San Pablo sa kanyang liham kay Timoteo na ang pagmamahal sa salapi ang pinag – uugatan ng lahat ng kasamaan sa mundo.