Church News


Kakapusan ng tubig, dahil sa kapabayaan ng tao

20 July 2010 – Tuesday


 
Ang kapabayaan ng tao ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema sa suplay ng tubig sa kabila ng mga pag-ulan.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, dapat maging responsable ang bawat tao sa mga pangkalikasang usapin nang sa gayun ay maging kapakipakinabang ito sa halip na magdulot ng pinsala.

Ang reaksyon ng obispo ay bunsod na rin sa mga pag-ulan na nagreresulta ng pagguho ng lupa at baha habang ang ilang lugar naman ay kinakapos sa tubig.

‘Everything naman is an act of God e. kaya lang ang instrumentalities nyan is how it happen e yung ibat ibang tao iba’t ibang pangyayari. Neglect of ecological concern that certainly has contributed to this fact, God does not want that but we did it and so thru our inaction to our negligence nangyari ang mga bagay na ‘yan’, ayon kay Bishop Iñiguez.

Aniya, hindi pa naman huli ang lahat para gumawa ng hakbang sa layuning maisaayos ang ecological system ng bansa.

Kaugnay nito, hinikayat ng Obispo ang publiko na agad na gumawa ng paraan para makatulong sa kalikasan tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pagtatanim ng mga puno.