Church News


Panibagong pastoral statement ng CBCP,
sex education at RH bill ang nilalaman

July 20, 2010 - Tuesday

 
Sesentro sa sex education at reproductive health bill ang panibagong pastoral statement na ilalabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ayon kay Malolos bishop Jose Oliveros, ito ay dahil sa labis nang nababahala ang CBCP sa posibilidad na maipasa ang RH bill.

Una nang inamin ni CBCP president Tandag bishop Nereo Odchimar na nabawasan ng kakamping mga mambabatas ang Simbahang Katolika sa pagpasok ng 15th congress.

Ayon kay bishop Oliveros, ilalabas ang panibagong CBCP pastoral statement dalawang araw bago ang State of the Nation Address SONA ng Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.

“As of now, the pastoral statement is still open for suggestions and revisions,” pahayag ni Bishop Odchimar sa panayam ng Radyo Veritas.