|
Kampanya para sa kalikasan, kailangang palakasin
ng bawat parokya - Bishop Cortez
September 8, 2010 - Wednesday
Kailangang palakasin ng bawat parokya ang kampanya sa pangangalaga sa inang kalikasan.
Ayon kay Bishop Bernardino Cortez, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, kailangang maging aktibo ang lahat ng parokya sa buong bansa para tugunan ang anumang problema sa ating kalikasan.
“Ang problemang kinahaharap ngayon ay baha,climate change, polusyon, at marami pang iba, kaya ang rule ng Simbahan ay gabayan ang publiko,” dagdag pa ni Bishop Cortez sa panayam ng Radyo Veritas.
Isa aniya sa dapat gawin ng mga parokya ang paghikayat sa mga mananampalatayang nasasakupan nila na maglinis ng kapaligiran, huwag magsunog ng basura kundi ibaon sa lupa ang mga ito.
Sinabi ni bishop Cortez na dapat kumilos din ang taong bayan, palakasin ang adbokasiya sa pangangalaga sa kaliksan.
Pahayag ito ng obispo matapos amg isinagawang technical forum on tire pyrolysis sa tanggapan ng Philippine Nuclear Tesearch Institute sa Lungsod ng Quezon.

|